CHAPTER 21: EXPLAIN

1.1K 99 36
                                    

Nina

Gumapang ang mga kamay niya sa aking likuran at mahigpit akong niyakap. Ipinulupot ko sa kanyang leeg ang aking mga braso sabay hagod sa kanyang buhok.

Napapikit ako nang ihilig niya ang kanyang mukha sa aking leeg. Ramdam ko ang mainit niyang hininga at ang nakalapat niyang labi sa aking balat.

"Kelan mo ko sasagutin?" Nakangiti niyang bulong.

"After four years!" Biro kong sagot.

Naalala kong bigla ang panaginip kung saan nakasakay kami sa ferris wheel. Sinabi niya noon na magpo-propose siya after 4 years kaya naman iyon din ang naisipan kong isagot sa kanya.

Dumiretso siya nang pagkakatayo at hindi makapaniwalang tumitig sa akin.

"Seriously?" Naibulalas niya.

Muli akong natawa. "Yeah." Sagot ko.

"Oh come on! Hindi ba pwedeng next month." Pangungulit niya.

Tumawa na naman ako. "Ang lakas mo ring tumawad noh!" Pang-aasar ko.

Natawa siya. Hinawakan niya ang magkabilang gilid ng ulo ko sabay halik sa aking noo. Ibababa niya pa sana ang labi niya sa aking labi nang may umubo.

"Nasusunog na ang niluluto mo, Reyden!" Sita ng bagong gising na si Ate Bel.

Napayuko si Reyden sabay bulong, "Ang ganda talaga ng timing ng mga ito, parati silang istorbo." Ngingisi-ngisi niyang biro.

Binuhat niya ako pababa at muli nang hinarap ang kaniyang niluluto.

Lumapit si Ate Bel at mariin akong pinagmasdan.

"You look great." Sabi niya.

Ngumiti ako at nilapitan siya. Agad ko siyang hinagkan.

"I miss you, Ate Bel!" Usal ko. Kahit hindi kami madalas magkita noon sa Baguio ay ramdam ko pa rin ang pagka-miss ko sa kanya. Bukod kay Ethan at Reyden, isa rin siya sa mga taong nakikita ko parati sa aking panaginip.

"Huwag kang nagpapauto riyan kay Reyden, may ibang babaeng mahal 'yan!" Seryoso niyang sabi.

Napanguso ako. Seryoso ba siya?

Napalingon si Reyden. "What are you talking about, Ate Bel? Tigilan mo si Nina, baka maniwala siya sa'yo!" Birong sita ni Reyden.

Tumawa si Ate Bel. "The girl's name is Celine." Bulong niya sa akin na rinig pa rin ni Reyden.

Napakunot ang noo ko. "Celine? As in si Celine?" Sobrang curious kong tanong.

Humarap si Reyden kay Ate Bel at pabiro niya itong inakbayan na may kahalong pasimpleng sakal.

"I said stop." Nakamulagat ang mga matang sita niya kay Ate Bel.

"Are you really in love with Celine?" Seryoso kong tanong kay Reyden. Bigla akong nakaramdam ng selos at pagka-insecure.

Napatingin sa akin si Reyden. "Of course not! She is my sister!" Todo depensa niya.

Napalabi ako. "Really?"

"Yeah, kaya nga sabi ko di ba, huwag kang nagpapaniwala rito kay Ate Bel!" Biro na naman niya.

Napakunot ang noo ko. Magkapatid ba talaga sila? Parang may nagsasabi sa akin na hindi iyon totoo.

"No, she's not your sister!" May halong tampo kong sabi.

Nakita kong nagsalubong ang mga kilay ni Reyden. "Okay, half-sister!" Pagtatama niya.

I AM NINA: Truth & LiesWhere stories live. Discover now