CHAPTER 48: Captured!

1K 95 39
                                    

Nina

Sabay kaming napalunok ni Jenny nang marinig namin ang pagpasok ni Meridith sa isang kwarto na pakiwari ko ay katapat ng sa amin. Nang wala siyang makita sa kwartong kanyang pinasukan ay sunod niyang pinuntahan ang sa amin.

Halos hindi kami humihingang dalawa habang nasa loob ng cabinet. Napakislot si Jenny nang biglang ihampas ni Meridith ang kung anumang bagay na hawak niya sa lumang kama na nagdulot nang lumalangitngit at kalawanging tunog.

Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Jenny at inilagay ito sa magkabila niyang tainga. Napahinga ako nang malalim nang walang mapansing kakaiba si Meridith. Lumabas siya ng kwarto at pumasok sa katabing silid. Buti na lang!

Nagkatinginan kami ni Jenny sabay ngiti sa isa'-isa. Walang ingay kaming nanatili sa loob ng cabinet nang biglang tumunog ang cellphone ni Jenny. Shit!

Napamulagat ang kanyang mga mata habang nagpa-panic na kinuha ang cellphone sa kanyang bulsa. "Oh no! Oh no!" Kinakabahan niyang usal.

"Aaahhh!" Napasigaw ako sa gulat nang biglang may bumaong patalim sa dinding sa bandang ulunan namin ni Jenny na nagmula sa kabilang kwarto.

Sobrang bilis kong itinulak ang pinto ng cabinet at hinila palabas ang takot na takot na si Jenny. Kakamadali ay nabitawan niya ang kanyang cellphone at nahulog ito sa sahig.

Kumaripas kami ng takbo palabas ng kwarto. Nasulyapan ko si Meridith na hinahatak ang nakabaong palakol sa dingding. Shit! Palakol pala ang kanina niya pang kinakaladkad!

Nang makarating kami sa dulo ay bumungad naman sa amin ang paakyat na si Lee na may dala-dalang tubo na nababalutan ng sariwang dugo.

Gumapang ang sobrang pagkabahala sa aking dibdib. "Reyden." Usal ko.

Anong nangyari kay Reyden!

Buong pwersa akong hinila ni Jenny paakyat nang mapatigil ako sa sobrang pag-aalala. Nablangko bigla ang aking isipan dahil sa dugong nakita kong pumapatak sa bawat paghakbang ni Lee.

"Ate Nina!" Tawag sa akin ni Jenny nang hindi pa rin ako umiimik pagkaakyat namin sa third floor.

"Just run Jenny! Try the other doors!" Tulala kong sabi sa kanya sabay bawi ng kamay ko. "Go!"

Kinakabahan at bilog na bilog ang mga mata ni Jenny na napatingin sa akin bago siya tumakbo palayo.

Pumasok ako sa isang silid at naghagilap ng kahit anong pwede kong maipanghampas. Nakakita ako ng isang kalawanging curtain rod na nakatayo sa gilid ng bintana. Kinuha ko ito at mahigpit na hinawakan na parang papalo ako sa isang baseball game.

Pumuwesto ako sa bukana ng pinto. Inabangan ko ang mga yabag na papalapit. Nang malapit na ang mga ito sa pinto ay buong lakas kong inihampas ang curtain rod sa kung sino mang paparating.

Halos mabali ang leeg ni Meridith nang matamaan ko ang kanyang mukha. Tumumba siya sa sahig. Naaninag ko ang kislap na nagmumula sa tubong hawak ni Lee na tatama sa akin. Agad kong itinaas ang hawak kong rod at sinalag ang kanyang hampas.

Sa sobrang lakas ng paghataw niya ay halos mayupi sa gitna ang rod na hawak ko. Tumilapon ako sa sahig dahil sa impact ng kanyang paghampas. Nabitawan ko ang rod.

Palapit na si Lee nang magsalita si Meridith. "Find Bel!" Mariin niyang utos.

Pagkatapos akong titigan ni Lee gamit ang mga nakakatakot niyang mata ay nilagpasan niya ako at tumakbo papunta sa exit kung saan dumaan si Jenny. Buong pag-aakala nila ay si Ate Bel ang kasama ko! Jenny. Sana ay nakababa na siya!

Bumaling ako kay Meridith na nakatayo na at kinikuha ang nabitawan niyang palakol. Sobra akong nagtaka nang makita ang kanyang mukha; bakit hindi man lang siya nagalusan!

I AM NINA: Truth & LiesWhere stories live. Discover now