Random Thoughts

1.1K 90 19
                                    


Title: Loving YOU Behind the Scene (Bel & Ethan Love Story)

Author: Arjoan

#Para sa nagmamahal kay Ethan at Ate Bel!

Natulala ako nang una kitang makita. Sinabi ko kay Nina na may gwapong dumaan sa kabilang dako ng restaurant. Halatang hindi ko maalis ang mga titig ko sa iyong kinaroroonan. Kahit ilang beses pang ipaling ni Nina ang mukha ko ay bumabalik ito sa pagsulyap sa iyo.

Ang gabing iyon ang unang pagkakataong nasilayaan kita. Hindi ko akalaing masusundan pa. Sa ating muling pagtatagpo ay sininghalan kita. Kunwaring galit-galitan dahil ayokong mahalatang napupukaw ng iyong mga mata ang puso kong matagal nang walang napapansing iba.

Madali tayong nagkapalagayan ng loob dahil pareho tayong may toyo; pareho tayong maloko at mapagbiro. Sa tuwing tatawa ka ay hagikgik ang aking sukli; hindi matatapos ang araw na hindi masakit ang ating tiyan sa biruang buong araw nating pinagsaluhan.

Masaya ako, masaya ka. Masaya tayong dalawa pero hanggang doon na lang ba? Alam kong may mahal kang iba at ang turing mo sa akin ay hanggang kaibigan, kapatid lamang.

Tanggap ko naman na wala akong pag-asa. Kahit kailan imposibleng magkagusto ka sa isang katulad ko. Isang babaeng ulila, mahirap, at higit sa lahat mataba!

-Ate Bel

I AM NINA: Truth & LiesWhere stories live. Discover now