CHAPTER 77: Ferris Wheel

986 78 32
                                    

Reyden

Ilang araw pa ang lumipas. Kahit minsan ay nakikita ko pa rin si Nina na malungkot at tulala ay masaya pa rin ako dahil unti-unti ng bumabalik ang dati niyang sigla. Alam ko na masakit sa kanya ang pagkawala ni Jodie at Sky pero alam ko rin na kakayanin niyang mag-move on at matanggap ang mga nangyari.

Magiging maayos din ang lahat lalo na ngayong alam naming hindi na siya muling magiging split, wala ng rebound, at wala ng sagabal sa aming dalawa.

"Ready?" Tanong ko paglabas niya sa kwarto suot ang simpleng blouse, pantalon, at rubber shoes.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Excited at nakangiti niyang tanong.

"Surprise nga di ba, kulit mo talaga!" Pabiro kong sagot.

"Tssssk, siguraduhin mo lang mag-eejoy ako sa pupuntahan natin." Bubulong-bulong niyang sabi habang magkahawak kamay kaming lumabas ng condo.

"We're here!" Excited kong sabi pagkaraan ng mahigit dalawang oras na biyahe. Sabay kaming bumaba ng kotse at naglakad papunta sa entrance.

"EK? Bakit dito?" Nakangiti niyang tanong habang nakatingin sa akin.

Umabot hanggang tainga ang aking ngiti. "I just want to experience everything na ginawa natin dati. I want to hold your hand while you scream, I want to watch you when you laugh, I want to hug you when you get tired. I want to do everything with you- with the real you!" Malambing kong sagot sabay hagod sa kanyang buhok.

"Alam mo ikaw, may pagka-korny ka talaga!" Kinikilig niyang sabi sabay kagat sa kanyang labi. Ang cute niya talaga.

Bahagya akong tumawa. "Maswerte ka, konti na lang kaming mga lalaking korny. Di lang korny, gwapo pa!" Confident kong biro na lalong nagpangiti sa kanya. Okay lang maging korny basta ngumiti lang siya parati.

"Tara na nga, baka liparin ka ng hangin diyan!" Tatawa-tawa niyang sabi bago niya ako hilain papasok.

Just like before ay isa-isa naming sinubukan ang mga rides. Napuno kaming dalawa ng sigaw at halakhak. Hindi maubos ang tawanan namin habang nagpupustahan kung sino ang unang mahihilo. Bakit ba hindi man lang mahilo ang girlfriend kong ito?

"Next stop!" Tuwang-tuwa niyang sabi sabay turo sa horror house. Napatigil ako sabay tingin sa mga props na multo na nakadikit sa itim na pinto ng horror house. Napalunok ako.

"Seriously? That's just for kids!" Protesta ko.

Nang-aasar ang mga mata niyang tumingin sa akin sabay ngiti nang nakakaloko. "Weh, takot ko lang eh!" Banat niya.

Nginisian ko siya. "Ako takot, really? Tsskk, kunwaring multo lang yan eh!" Ganti kong banat.

Tumawa siya. "Eh bakit bigla kang pinagpawisan?" Pang-aalaska niya. Lakas talagang mang-asar ng babaeng ito!

"Mainit!" Pagsisinungaling ko.

Tumawa na naman siya sabay hila sa akin papasok. Papasok talaga kami? Napalunok ako. Nahihintakutan pa rin ako sa tuwing maaalala ang mga multong nakita namin ni Ethan. Biglang nagdilim ang paligid nang pumasok kami sa loob. Unang hakbang ko pa lang ay kinakabahan na ako. Kung bakit ba kasi nakita ko pa ang mga multong iyon, bigla tuloy akong natakot sa mga multo!

Ipinikit ko ang aking mga mata at nagpahila na lang kay Nina. Hindi naman niya makikitang nakapikit ako. Naramdaman ko ang pagdikit niya sa akin at pagpulupot ng kanyang mga braso sa aking braso.

"Nakakatakot, Reyden." Bulong niya na mukhang hindi naman siya natatakot. Pakiramdam ko ay tuwang-tuwa pa siya.

"Reyden, alam mo ba yung kwento ng babaeng walang mukha?" Nakakakilabot niyang tanong. Hindi ako umimik at patuloy lang na naglakad.

I AM NINA: Truth & LiesWhere stories live. Discover now