CHAPTER 11: She's Not Staying

1K 98 6
                                    


Reyden 

Kahit anong gawin at sabihin niya ngayon sa akin, wala akong paki-alam. Kukunin ko siya at ilalayo sa lugar na ito. Hinarap ko ang mga hugasin at nagsimulang maghugas.

Napansin ko ang isang papel na nakadikit sa lumang refrigerator. Nabasa ko ang nakasulat.

"Look, your friend won't be home until tomorrow!" Balita ko sa kanya.

Lumapit siya sa ref at binasa ang nakasulat. Napakagat siya sa kanyang labi.

"Pack your things!" Muli kong utos sa kanya.

Sinulyapan niya muna ako at nang makitang seryoso ako sa aking sinasabi ay napilitan na lang siyang sumunod.

I know I'm being bossy and demanding pero hindi ko talaga maatim na iwan siya rito. Pakiramdam ko bigla-bigla na lang may magbubukas ng kahoy na pinto at papasukin siya rito sa loob dahil alam nilang wala siyang kasama.

Better safe than sorry, ika nga nila.

Pagkatapos kong maghugas at magligpit ng mga kalat sa lababo ay pinuntahan ko siya sa maliit na sala. Pagka-ayos niya ng mga laruan sa istante ay binalingan niya ako.

"I'm done! I will just call my friend to tell her that I'm moving out." Seryoso niyang sabi.

"Good! Do it later, let's go." Yaya ko sa kanya dahil gabi na.

Binitbit niya ang isang backpack na puno ng mga gamit.

"Ako na." Sabi ko sabay kuha ng bag sa kanyang kamay.

Nagpaubaya na lang siya.

"Is this all your things?" Taka kong tanong nang mapansing wala na siyang ibang kinuha.

Tumango siya

----------------------------

Nina

Binuksan ni Reyden ang pinto ng guess room ng kanyang condo at pinapasok ako.

"You can stay here for tonight. If you're not comfortable staying with me, we can find you a better place by tomorrow." Pa-gentleman niyang sabi.

Ngingiti-ngiti ako. Kunwari pa siya, alam kong gusto niyang dumito ako sa unit niya.

"Can I just stay here with you? I'm not staying long anyway." Nag-aalinlangan kong tanong.

Salubong ang kilay niyang napatingin sa akin.

"What do you mean by that?" Taka niyang tanong.

Napakagat labi ako. "I'm going home to Baguio. I made a promise to my mom that I'm going back for her birthday on May 31." Sagot ko.

"But you're coming back here, right?" Puno ng pag-asa ang mga mata niya.

Dahan-dahan akong umiling.

"I'm staying in Baguio. I don't have any reason to be here. I'm just here to look for some friends, but unfortunate I can't find them." Paliwanag ko.

Napalitan ng pagkalumo ang mukha ni Redyen. Napangiwi ako; may kumikirot sa puso ko na nagsasabing bawiin ko ang sinabi ko. Ayokong nakikita siyang nalulungkot.

"Am I not enough reason for you to stay?" Mabagal at may tampo niyang tanong.

Napalunok ako nang malalim. Paano ko siya sasagutin?

Lumapit ako sa kanya.

"Masaya ako na nakilala kita, but I'm not ready to be in a relationship with you." Buong katotohanan kong sagot kahit alam kong masasaktan siya.

I AM NINA: Truth & LiesWhere stories live. Discover now