CHAPTER 33: FREED

1K 95 27
                                    

Reyden

Hindi ko na inayos ang pagkakapark sa suv. Itinigil ko ang sasakyan at agad kaming bumabang tatlo sa tapat ng lumang simabahan na nakita ko sa panaginip. Parehong-pareho ang itsura nito. Umugong ang malaking pinto nang itulak ito ni Ethan. Nauna siyang pumasok paloob kasunod si Ate Bel.

Parang may mali. Bakit napakatahimik? Bakit parang wala man lang bakas ng kahit na ano sa sahig gayong mahamog at umambon kanina. Kung dito dinala ng Meridith na iyon si Nina, dapat may kahit anong marka!

"Something's wrong!" Tawag ko sa atensyon nila.

"What else could gone wrong? Huwag mong sabihing may gamot din dito sa simbahan." Sarkastik na komento ni Ethan.

Hindi ako umimik. Kanina ko pa napapansing hindi makontrol ni Ethan ang init ng ulo niya. Pinulot ni Ethan ang isang bato sabay malakas na hagis nito sa basag na bintana na lalong nabasag dahil sa ginawa niya.

"Ano bang problema mo, Ethan!" Kunsumidong sigaw ni Ate Bel.

Kinuyom ni Ethan ang kanyang kamao at pasugod na nilapitan si Ate Bel. Mahigpit niyang hinawakan ang magkabilang braso ni Ate Bel na kulang na lang ay yugyugin niya ito.

"How far have you gone with Lee!" Nagpupuyos niyang tanong.

Ano bang nangyayari sa lalaking ito?

Gulat na gulat si Ate Bel na nakatitig lang sa kanya.

"What—" Hindi na naituloy ni Ate Bel ang kanyang sasabihin.

"Did he kissed you or touched you or did he fucked you already!" Walang prenong sigaw ni Ethan habang nanlilisik ang kanyang mga mata dahil sa selos.

Parang naging estatwa si Ate Bel na hindi makakilos sa sobrang pagkabigla. Minabuti kong umawat na. Hinawi ko si Ethan palayo at pumagitna ako sa kanila.

"Stop it! Now is not the time for this!" Mataas ang boses na saway ko sa kanya.

"How dare you talk to me like that? Ang kapal ng mukha mo Ethan! Sino ba sa atin ang hindi tumupad- sino ba ang nakikipaglandian sa iba!" Galit na sigaw ni Ate Bel.

Nakukunsumi akong napahawak sa aking ulo. Pati ba naman si Ate Bel?

"Stop, stop, please!" Muli kong sigaw para awatin silang dalawa.

Ano bang nangyayari? Sumagi sa isip ko ang mga nakita ko kanina na hindi ko mawari kung panaginip ba o totoo. Nakita ko na magkayakap at naghahalikan sila Dave at Nina pero hindi ko iyon hinayaan na makaapekto sa akin dahil alam kong hindi iyon totoo. Napatingin ako kay Ethan.

Alam ko na!

"Calm down, Meridith wants us to be like this!" Patuloy ko.

Humihingal na umupo si Ethan sa lumang bench ng simbahan. Sapo niya ang kanyang ulo gamit ang dalawa niyang mga kamay.

"Hindi lang paralysis drug ang nalanghap natin. There is something more causing us to hallucinate and see things we do not want to happen! Tumigil na kayo; don't break each other's trust! We've been through a lot together, ngayon pa ba kayo magdududa sa isa't-isa?" Sermon ko para buksan ang mga isip nila.

Narinig kong malakas na bumuntong-hininga si Ate Bel. Halos mangiyak-ngiyak na siya pero nagawa niyang pigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha.

"I saw Nina getting killed repeatedly!" Malungkot na kwento ni Ate Bel.

Napatiimbagang ako. "That girl is playing tricks on us. We cannot let her win! Always remember na nandito tayo para hanapin si Nina; nothing more nothing less!" Mariin kong paalala sa kanilang dalawa.

I AM NINA: Truth & LiesWhere stories live. Discover now