Chapter 56: Wet

976 80 25
                                    

Ate Bel

Napanganga na lang ako pagkatapos sabihin ni Nathan ang sinabi niya. Hindi ko lubos akalain na nangyayari ang ganito sa totoong buhay. Parang sa pocketbooks ko lang nababasa ang ganitong scenario.

"Say yes and I'll forget everything." Muli niyang bulong na talagang nagpakaba sa akin.

Tinanggal niya ang tali ng kanyang bathrobe. Marahan niyang inalis ang robe sa kanyang katawan na parang nananadya siyang akitin ako gamit ang maganda niyang katawan.

Inilapag niya ang robe sa sandalan ng upuan. Tanging swimming trunks lamang ang kanyang suot. Pinasadahan ko ng aking paningin ang toned niyang katawan mula leeg hanggang paa. Napalunok ako nang dumako ang aking mga mata sa hubog na hubog niyang abs. May maipagmamayabang naman pala siyang talaga!

No Bel! Huwag kang magpadala sa kanya! Kahit gaano pa siya ka-gwapo at kahit gaano pa kalakas ang appeal niya ay hinding-hindi siya magiging si Ethan! Huwag mo siyang patulan dahil lang naiinis ka kay Ethan! Bulong ng anghel sa tenga ko.

Okay lang 'yan Bel. Ano bang masama kung makipaglandian ka sa kanya. Isang gabi lang naman. Pagkatapos ng gabing ito, kakalimutan niya ang lahat. Wala namang kayo ni Ethan kaya wala kang magiging kasalanan! Udyok ng devil sa kabilang tenga ko.

Napahawak ako sa aking sintido. Ano ba itong iniisip ko?

"Just say, yes!" Nakakaakit na bulong ni Nathan sabay hawak sa baba ko.

Inangat niya ang aking ulo at nagkatitigan na naman kami. Magkamukha sila ni Ethan pero magkaibang magkaiba ang kanilang mga mata. Tinapik ko ang kanyang kamay palayo sa akin.

"No! Just shut your mouth if you don't want to get hurt!" Pagbabanta ko sa kanya dahil sa totoo lang ay kayang-kaya kong baliin ang kanyang katawan. Huwag niyang subukang galitin ako!

Tumawa na naman siya. Halatang hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ko. Naningkit ang mga mata ko.

"Unrequited love! Saklap!" Pang-aasar niya.

Napakunot ang noo ko. Marunong siyang mag-tagalog?

"Just agree on my proposal or just agree to date me. You'll get old waiting for Ethan to love you back! My twin brother is a jerk; do you know that?" Patuloy niyang pang-aasar.

"Yeah. You're both jerks!" Naibulalas ko.

Muli siyang tumawa. Lumayo ako sa kanya at tumungo sa kabilang bahagi ng mesa. Nagsalin ako ng wine sa baso at ininom ito.

"Just sit. Our night is not yet over! Think about what I said!" Sabi ni Nathan sabay dive sa pool.

Wala talaga siyang pakialam kahit tinanggihan ko na siya. Bakit ba hindi pa ako umalis? Ano pa ba ang ginagawa ko rito? Umupo ako at muling nagsalin ng wine sa baso. Sumagi sa isip ko ang sinabi ni Nathan. Unrequited love! Bwisit! Hindi ba talaga ako gusto ni Ethan?

"Bel, join in! Water is warm!" Tawag ni Nathan na tanging ulo lamang ang nakalabas sa tubig.

Nababaliw na ba siya; nakita niyang nakapantulog na ako! Tiningnan ko siya. Mukhang nag-eenjoy siyang mag-swimming mag-isa. Nalungkot akong bigla. O baka naman sanay lang siyang mag-isa?

"Nathan, how deep is the water?" Pasigaw kong tanong.

"6-7 feet!" Sagot niya.

"I don't know how to swim!" Malakas kong sabi sabay inom ng wine.

Tumayo ako. Tinanggal ko ang aking tsinelas. Tumungo ako sa gilid ng pool. Mariing nakatitig sa akin si Nathan. Tinitigan ko ang tubig. Mukhang malalim talaga.

I AM NINA: Truth & LiesWhere stories live. Discover now