CHAPTER 46: Sneak

1K 86 28
                                    

Nina

"He's gone!" Pagulat na sabi ni Jenny.

Itinigil ni Reyden ang sasakyan at iginilid ito sa tabi ng kalsada.

"Where are we?" Tanong ni Ethan.

"Can't see anything but woods!" Sagot ni Reyden.

"What now? Bakit siya nawala?" Tanong ko kay Jenny.

"Maybe we're here!" Sagot niya sabay bukas ng pinto ng kotse.

Binuksan ko rin ang pintuan sa aking tabi at bumaba ng sasakyan. Bumungad sa akin ang napakalamig na hangin at ang tunog ng pagaspas ng mga dahon at puno. Napatikom ang aking bibig nang may marinig akong mga kaluskos at kakaibang ingay sa loob ng kagubatan.

Nakakatakot. Tumatayo ang mga balahibo ko! Naramdaman ko ang pag-akbay ni Reyden sa akin.

"This is like a scene in a horror movie!" Bulong niya sa tenga ko na para bang nananadya pa siyang manakot.

"The heck, I'm really getting goosebumps!" Nakangiwi kong sabi.

Bahagya siyang natawa sa reaksyon ko.

"Don't worry, walang ghost sa paligid!" Sabi ni Jenny.

"But there are wild animals!" Pananakot ni Ethan.

"Stop it Kuya! Ikaw ang unang makakain kapag nagkataon." Biro ni Jenny na halatang kinakabahan din.

Iginala namin ang aming mga mata sa paligid.

"Ang hina ng signal dito!" Reklamo ni Jenny.

"Really Jenny, stop using your phone!" Saway ni Ethan sabay lakad papasok sa nakita niyang pathway sa gitna ng mga damo at halaman.

"I'm chatting with Dark." Sagot ni Jenny na wala talagang balak pakinggan ang kapatid niya.

"Let's be careful, we don't know what's in here!" Paalala ni Reyden na bumubuntot sa aking likuran.

Mahaba-haba rin ang aming nilakad bago namin natanaw ang likod ng isang lumang gusali na halos burado na ang puting pintura.

"It really is a hospital!" Hindi makapaniwalang bulong ni Ethan.

"That one is the gate. We're at the back." Sabi ko sabay turo sa harapang bahagi ng ospital.

"Okay listen up. We are here to find Ate Bel. We don't know if this is really the right place, but if this is the place; then avoid any contact with Lee or Meridith. They do not know we are here, that's our advantage." Mahinang bilin ni Reyden.

"Okay. Jenny, don't ever leave my side and please turn-off your phone!" Huling bilin ni Ethan bago kami dahan-dahang naglakad pababa sa mababang burol para makarating sa entrance ng unang palapag.

"Don't make any noise." Sabi ni Reyden sabay hawak sa kamay ko.

Pagpasok namin sa gusali ay nakita namin ang mga itim na kandila na nakahilera sa daanan na para bang sinasabing dito ang daan. Mukhang tama ang lugar na aming napuntahan!

Oh god! Nakakatakot! Tuloy-tuloy na nakahilera ang mga nakasinding kandila papunta sa hagdan. Halos hindi kami humihinga habang sinusundan ang mga kandila.

Nanginig ang buong katawan ko nang may pumatak na malamig na tubig sa aking ulo. Shit! Kainis! Kanina pa ako kinakabahan at kanina pa nakatayo ang aking mga balahibo tapos dadagdagan pa ng patak ng tubig!

Sobrang nakakatakot sa loob ng napakadilim na lumang ospital. Ang tanging liwanag lamang sa loob ay ang mga kandilang nagsisisilbing gabay namin sa paglalakad. Puti ang kulay ng maruming pader na puro sulat at vandal. Ayokong lumingon sa kabilang dako ng pasilyo dahil pakiramdam ko ay biglang may lilitaw!

I AM NINA: Truth & LiesWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu