CHAPTER 10: His Kiss

1.1K 100 27
                                    

Reyden

Ethan is in Canada and Ate Bel is in California. Binuksan ko ang FB account ko at hinanap sila. Bakit wala? Alam kong nasa friend's list ko sila. Nag-delete ba sila or nagpalit ng account?

Damn it! Bakit nawala lahat ng accounts nila!

Ibinaba ko ang cellphone at muling humiga sa tabi ni Nina. Pinagmasdan ko nang husto ang kanyang mukha.

Dati hindi ako naniniwala sa mga multo at sa kung anumang bagay na hindi ko nakikita pero simula nang hawakan ko ang kamay ni Ate Bel ay tuluyan akong naniwala. Kung ang mga multo ay pinaniwalaan kong totoo, ibig sabihin ay posible ring magkaroon ng milagro.

Pero paano?

Tuluyan akong nakatulog kaiisip kung posible bang mangyaring siya at si Nina ay iisa?

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong umiingit si Nina. Pagmulat ko ng aking mga mata ay nakita ko siyang pinagpapawisan nang sobra-sobra. Tumutulo ang pawis sa kanyang noo at mukha. Nananaginip siya!

Umuungol siya na parang hindi makagalaw. Niyugyog ko ang kanyang balikat nagbabakasakaling magising siya pero patuloy pa rin siya sa pag-ungol.

"Nina! Nina!" Tawag ko sabay tapik sa kanyang pisngi.

Hindi pa rin siya nagigising. Nakakuyom ang kanyang mga kamao at nagpupumiglas na animoy kumakawala sa pagkakatali.

Muli ko siyang niyugyog nang malakas. Nagulat ako nang gumalaw ang kanyang kamay at hawiin ako palayo.

Nagpatuloy siya sa paggalaw na para bang siya ay nalulunod. Shit! Anong gagawin ko?

Muli ko siyang hinawakan sa magkabilang balikat. Bago ko pa siya mayugyog ay muling gumalaw ang kanyang mga kamay at inabot ang aking pisngi.

Nanlaki ang aking mga mata nang hilain niya ako palapit sa kanya sabay halik sa aking mga labi.

"Uhmmm." Protesta ko.

Idinantay ko ang aking mga kamay sa kutson para hindi ko siya tuluyang madaganan. Nakahawak pa rin ang kanyang mga kamay sa aking pisngi habang patuloy akong hinahalikan. Ramdam na ramdam ko ang lambot ng kanyang mga labi at ang napakainit niyang hininga.

Napapikit ako dahil sa napakasarap ng sensasyong dulot ng kanyang halik.

Hindi ko na nagawang kontrolin ang nararamdaman kong pagmamahal at pagnanasa sa kanya kaya gumanti ako ng halik.

Sinimulan kong igalaw ang aking bibig sabay halik nang mariin sa kanyang maliliit at magagandang labi. Patuloy ko siyang hinalikan. Nang umawang ang kanyang bibig ay hindi ako nagdalawang-isip na ipasok ang aking dila.

Ramdam ko ang unti-unting pag-init ng aking katawan. I want her so much. I want to kiss her deep and hard. Ipinasok ko pa ang aking dila at ginalugad ang kabuuan ng kanyang bibig; mapusok ko siyang hinalikan nang hinalikan. Oh god, I can't stop; I don't want to stop! Ang sarap niyang halikan!

Natauhan ako nang muli siyang umungol. Nang mukha siyang tuluyang magigising ay agad kong pinutol ang halik at bahagyang lumayo sa kanya.

Humihingal akong napasapo sa aking noo.

What the hell am I doing? I'm taking advantage of her! Inis kong usal sa aking sarili.

"Dave." Mahinang usal ni Nina habang nakapikit pa rin ang kanyang mga mata.

Nagpanting ang tenga ko sa aking narinig. Shit!

Here I am kissing her while she's dreaming of another guy! Damn it! Sino ba talaga ang Dave na 'yan!

I AM NINA: Truth & LiesWhere stories live. Discover now