CHAPTER 69: Call

910 89 17
                                    


Reyden

Nakailang katok na kami sa lumang pinto ng apartment kung saan nakatira si Jodie pero wala pa ring nagbubukas. Naiinip na ako sa paghihintay dahil ang buong atensyon ko ay nakatuon kung paano namin mabilis na mahahanap si Nina.

"Walang tao, Bro!" Sabi ni Ethan.

"Eto na naman tayo sa walang tao!" Dismayado kong bulong.

Bumaba kami ni Ethan at muling nadaanan ang mga tambay na nag-iinuman. Lumapit si Ethan sa kanila.

"Mga Ser, baka nakita niyo si Jodie!" Sabi ni Ethan na biglang parang naging lasing ang pagsasalita.

"Shi Jodi ba kamo?" Lasing na tanong ng isa.

"Opo, si Jodie po!" Sagot ni Ethan.

"Itagay muna 'yan!" Sigaw ng isa sabay abot ng basong may lamang gin kay Ethan.

Inabot ito ni Ethan sabay lagok. Napangiwi ako- ang alam ko hindi siya umiinom ng gin! Wala siyang itinira sa baso at mayabang itong inilapag sa mesa. Tuwang-tuwa ang mga lasing kay Ethan!

"Isa pa!" Sabi ng isa. Shit, baka hindi na sila tumigil kakapainom kay Ethan.

Muling kinuha ni Ethan ang baso sabay lagok dito. Kita ko ang pamumula ng kanyang mukha.

"Hinji pa umuuwi shi Jodi, hik. Ilang araw na!" Sabi ng isa.

"Kelan po siya huling umuwi?" Tanong ni Ethan.

Binigyan siya uli ng gin na agad niyang ininom.

"Martesh pa ata!" Sagot uli ng sumagot kanina. Dalawang araw na siyang hindi umuuwi.

"Yung anak niya po?" Muling tanong ni Ethan.

"Kasha-kashama niya 'yon, iniiwan niya ata sha shenter bago sha magtrabaho, hik!" Sagot uli ng lasing.

"Saan po siya nagtratrabaho?" Si Ethan.

"Tagay muna!" Kantiyaw ng isa na muling pinagbigyan ni Ethan.

"Mandaluyong yata 'yon!" Muling sagot ng lasing.

"Sige po, thank you!" Sabi ni Ethan sabay senyas sa akin.

Mabilis kaming lumabas ng compound at sumakay sa sasakyan. Agad ko itong pinaandar.

"So, saan natin siya hahanapin?" Tanong ko kay Ethan.

Hindi siya umimik. Ilang minuto na ang nakalipas at hindi pa rin siya sumasagot. Nang sulyapan ko siya ay nakahawak ang kanyang kamay sa kanyang sintido habang pikit ang kanyang mga mata.

"You okay?" Kunot-noo kong tanong.

"Stop the car! I can't hold it anymore!" Pinagpapawisan niyang sabi.

Agad kong iginilid ang sasakyan at mabilis na bumaba si Ethan. Bumaba rin ako at sinundan siya hanggang sa gilid na maraming halaman. Napangiwi na lang ako nang bigla siyang sumuka!

Napahawak ako sa aking ulo. Sabi na nga ba! Nangyari na ang ganito dati noong uminom siya ng gin!

--------------------------------------------------

"You should have told me na hindi ka pa kumain." Sabi ko kay Ethan.

Nakaupo kami sa isang restaurant at kumakain ng breakfast na naging lunch na rin.

"We immediately run to the hospital when you called. Kagigising lang namin, Bro." Sagot niya sabay subo.

Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi na nga kumain, uminom pa nang uminom ng gin!

I AM NINA: Truth & LiesWhere stories live. Discover now