CHAPTER 66: My Secret

978 107 52
                                    

Reyden

Agad kaming naghiwalay ni Nina nang marinig ang katok ni Dad. Bitin na naman! Umalis siya sa kama at agad na umupo sa couch. Tumungo ako sa pinto at agad itong binuksan.

"Yes, Dad!" Bungad ko pagkabukas ng pinto.

Tuloy-tuloy na pumasok si Dad sa loob ng kwarto na ang halatang hinahanap ay si Nina.

"Nina." Mariin niyang tawag.

Napatayo si Nina na halatang kinakabahan. Anong pinag-usapan nila kanina at parang iba ang itsura ni Dad; para siyang hindi mapakali. Humalukipkip ang kanyang kamay sabay buntong-hininga.

"The favor you asked- I called. He was out! Where did you see him?" Tuloy-tuloy niyang sabi. Anong pinag-uusapan nila.

Gumihit ang matinding pangamba sa mukha ni Nina.

"Katabi ko siya sa express van kahapon. Then I bump into him malapit sa resthouse. That bag is his." Agad na sagot ni Nina sabay turo sa itim na bag na nakapatong sa couch.

Napakunot ang noo ko. Are they talking about Celine's real father na kanina pa binabanggit ni Nina? Totoong hindi kami magkapatid?

"Reyden, get the car keys. Stay here!" Utos niya sa akin at kay Nina.

Tumango si Nina. Mabilis kong kinuha ang susi ng kotseng dala namin galing sa Maynila at sabay kaming lumabas ni Dad.

"Why? What's happening?" Takang-taka kong tanong habang mabilis kaming naglalakad ni Dad palabas ng hotel.

Bumuntong-hininga siya. "One of the prisoners who broke out of jail is Celine's father. She's definitely in danger." Sagot nya.

"So it's true that Celine is not my sister?" Gulat kong tanong sabay pindot sa susi ng sasakyan.

Agad pumasok si Dad sa passengers seat habang ako naman sa driver's seat.

"Yeah, you're not blood related. Let's go to the rest house." Mahinang sagot ni Dad.

"Why didn't you tell me that she's not my sister?" Curious kong tanong.

"Why, are you still in love with her?" Ganting tanong ni Dad.

Napangiwi ako. Pati ba naman siya iniisip na inlove pa rin ako kay Celine.

"Of course not! I was never inlove with her. I'm in love with Nina. I just want to know the reason why you didn't tell me all about this." Sagot ko habang mabilis na pinapatakbo ang sasakyan.

Napabuntong-hininga si Dad. "Before, I got this crazy idea of not revealing to you that you are my son dahil masyadong komplikado. I thought na pwede pa rin naman kitang maging anak legally through Celine kaya hinayaan ko kayong mapalapit sa isa't-isa. Akala ko pwede dahil nakita kong both of you are falling in love with each other until the real Celine woke up. After that nag-iba ang lahat. Kinausap ako ni Celine na gusto niyang lumayo sa'yo dahil hindi ka niya talaga gusto."

"And then?" Tanong ko.

"Since hindi ko siya mapilit na gustuhin ka, I just thought na mas makabubuting hindi ko na rin sabihin sa'yo na ampon ko siya para makapag-move on ka sa kanya. I saw how much you got hurt the moment Celine became Celine again. Knowing you, alam kong hindi ka titigil hanggat may nakikita ka pang dahilan para umasa. So, I just find it more convenient na malaman mong magkapatid kayo at hindi kayo pwedeng magkatuluyan." Patuloy niya.

Napangisi ako. Wow, naisip niya ang lahat ng iyon. Sa totoo lang, it actually worked! "That doesn't really matter to me right now because I already have someone I really love." Sagot ko.

I AM NINA: Truth & LiesWhere stories live. Discover now