CHAPTER 41: LET'S GET HER

1K 95 109
                                    

Nina

"Hay naku!" Kakamot-kamot na usal ni Reyden sabay hinga nang sobrang lalim. "Ang hilig niyo kasing mag-assume- ayan napapala niyo!" Sermon niya.

Napalabi ako. Tinitigan ko na naman siya gamit ang paawa kong mukha. Para akong si Puss in boots na nagpapa-cute para lang hindi na siya magalit.

Pero walang effect ang pagpapa-cute dahil dismayado pa rin siyang nakatingin sa akin. Narinig kong may mga yabag na papasok ng kwarto. Agad akong humiga at muling nagkunwaring tulog.

"How is she?" Agad na tanong ni Ethan.

"She's fine. Nabigla lang siguro ang katawan niya." Pagtatakip ni Reyden.

Buti naman di siya nagsalita. Sasabunutan ko talaga siya kapag sinabi niyang nagkukunwari lang ako!

"Sumagot na ba si Ate Bel?" Nag-aalalang tanong ni Ethan.

"Not yet." Sagot ni Reyden.

"I really need to talk to her." Sabi ni Ethan.

Patay. Patay. Kailangan kong makausap si Ate Bel bago siya makausap ni Ethan. Ano na lang ang mangyayari kapag nalaman ni Ethan na hinalikan ni Ate Bel ang kakambal niya? My god!

-----------------------------------

Hindi ako mapakali habang hinihintay na sagutin ni Ate Bel ang kanyang cellphone. Bakit ba ayaw niyang sumagot! Kanina pa ako tumatawag!

Bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Reyden. Kauuwi lang namin sa apartment pagkatapos naming ma-discharge.

Naunang lumabas si Ethan sa ospital para ihatid sa airport ang kakambal niyang si Nathan na bumalik agad ng Canada pagkatapos ihatid dito si Jenny. Buti na lang bumalik agad siya sa Canada! Paano na lang kung sakaling magkita sila ni Ate Bel! Maaalala niya kaya na hinalikan siya ni Ate Bel?

Ini-imagine ko pa lang ang mangyayari ay kinakabahan na ako para kay Ate Bel!

"Pabalik na raw dito si Ethan at Jenny." Balita ni Reyden.

"Okay." Kinakabahan kong sagot sabay baba ng phone.

Anong gagawin ko? Paano ko kakausapin si Ethan? Buong pagkakataon na nasa ospital siya ay nagkunwari akong tulog. Pagdating niya mamaya ay wala na akong choice kundi ang harapin siya.

"Okay ka lang?" Tanong ni Reyden na tumabi sa akin sa kama.

"I'm fine. I'm just too embarrassed." Pag-amin ko sa kanya.

Tumawa siya na parang nang-aasar pa. Nagiging katulad na siya ni Ethan na mapang-asar!

"Sumagot na ba si Ate Bel?" Tanong niya.

"Isa pa 'yon! Why is she not answering my calls? Okay pa kung si Ethan ang hindi niya sinasagot, pero ako, anong nagawa ko para hindi niya sagutin ang mga tawag ko?" Gulong-gulo kong tanong.

"Maybe she needs more time. Nabigla rin naman siguro siya dahil sa mga nangyari." Sagot niya para maibsan ang aking pag-aalala.

"No, I don't think so. Okay lang magmukmok siya at hindi niya tayo kausapin, but she's not the type na sasama sa lalaking hindi niya gusto." Giit ko.

"What if gusto niya talaga si Lee kaya siya sumama?" Panghuhula niya.

"No, hindi niya gusto si Lee. I'm very sure of that!" Siguradong-sigurado kong sagot.

Napabuntong-hininga na lang si Reyden dahil hindi siya manalo-nalo sa akin.

"Just call her again. Magluluto muna ako." Sabi niya bago siya muling lumabas ng kwarto.

I AM NINA: Truth & LiesOnde as histórias ganham vida. Descobre agora