CHAPTER 64: Bomb

859 77 15
                                    

Reyden

Napaubo bigla si Ace. "Her name is common. Might be another person!" Nakangiti niyang sabi.

"Pero kung ikaw ang boyfriend niya, sige lang! May nanalo na! Uwian na!" Biro ng kanilang ina na kung makapagsalita ay parang teenager lang.

Nangiti ako sa reaksyon niya.

"Nay, ano ka ba! Imposible!" Biro ng isa.

"What's your girlfriend's real name?" Natutuwang tanong ni Celine.

"Nicole Nathalie –" Hindi ko pa tapos sabihin ay bigla na naman silang natigilang lahat.

"Seriously?" Sabat ni Ace na sumeryosong bigla ang mukha.

Nagkatinginan kaming dalawa. "Is this her?" Tanong niya sabay pakita ng picture sa kaniyang phone.

Mariin kong tinitigan ang larawan at napatango ako nang makitang si Nina nga ang tinutukoy nilang kapatid nilang babae. Napalunok na naman ako. Ako pala ang boyfriend na sinasabi nilang mabubugbog.

Parang nasamid silang lahat sabay ubo.

May tumawa sa bandang dulo. "Ikaw pala eh! Sige iuwi mo na si Nina!" Biro niya. Pambawi siguro sa sinabi nilang joke na bubugbugin nila ang malas na boyfriend ng kapatid nila.

"Oo nga, iuwi mo na. Pampasikip lang siya actually sa bahay." Dagdag biro ng isa.

"Congrats naman kay Ate, may nagkamali!" Kantyaw ng mas bata.

Nagtawanan na naman silang lahat. Napangiwi ako. Ngayon alam ko na kung saan nagmana si Nina. Napakamot ako ng ulo sabay tawa. Nakuha ko na! Kaya close si Celine sa kanila ay dahil kay Nina. Paano niya nagawang pumuslit noon at bumisita sa kanyang pamilya nang hindi ko man lang napapansin?

"Seems like hindi lang ako ang may announcement." Biro ni Ace.

Ilang minuto pa ang lumipas at nahanap ko na lang ang sarili kong nakikipagtawanan sa kanilang lahat. At least, mukhang di naman ako mabubugbog. Mukhang ayos lang naman sa kanilang magkaroon ng boyfriend ang kapatid nilang babae. Alam kong walo silang magkakapatid pero hindi nasabi ni Nina na anim sa mga ito ay lalaki- mga bruskong lalaki!

Luminga-linga ako sa paligid. Nasaan si Nina? Gusto ko na siyang makita! Sobrang nag-alala talaga ako sa kanya kahapon nang bigla na lang siyang tumakbo palabas ng airport at sumakay ng taxi. Ni hindi man lang siya tumigil para mag-isip ng mas magandang paraan para makauwi kaagad. Mabuti na lang at tumawag siya kagabi at sinabing okay lang ang lahat at nagkamali lang siya ng dinig sa ibinalita ng kanyang kapatid.

Hindi ko sinabing aakyat ako pa-Baguio dahil gusto ko siyang sorpresahin. Hindi ko naman akalaing ang fiance' ni Celine ay ang kapatid niya. What a coincidence!

I excused myself. Sinabi kong hahanapin ko lang si Nina. Mabilis akong nagtungo sa loob ng restaurant at pinakiusapan ang waitress kung pwedeng silipin niya ang female CR kung may tao sa loob. Sumunod siya at sinabing wala namang tao sa CR.

Lumabas ako sa ibang exit at nagtungo sa garden. Hindi ko siya nakita. Saang lupalop na naman siya nagpunta? Pamilyar ang lugar na ito sa kanya dahil parati kaming nandito noon. Biglang sumagi sa isip ko ang resthouse. Kung naglalakad –lakad siya, malamang sa resthouse siya pupunta.

Patakbo akong lumakad. Napangiti ako nang maaninag si Nina na naka-squat sa damuhan at paulit-ulit na naghahagis ng bato sa hindi kalayuan. Sabi na nga ba makikita ko siya malapit sa resthouse. Marahan at walang ingay akong lumapit sa kanya. Sinungaban ko siya ng yakap mula sa kanyang likuran sabay halik sa kanyang pisngi.

Napatili siya sa gulat sabay lundag palayo. Natawa ako.

"Ano ba!" Singhal niya.

Ngumiti ako. "It's just me!" Malambing kong sabi sabay lapit sa kanya.

I AM NINA: Truth & LiesWhere stories live. Discover now