CHAPTER 51: Goodbye Meridith!

1K 103 44
                                    

Nina

Kinabahan ako nang mapansing gumagalaw ang maliliit na bato sa sahig. Nagsisimula na namang umugong ang hangin. Ito na naman! Anong binabalak ni Meridith at iniinis niya si Ate Bel!

"Ate Bel, STOP!" Sigaw ko. Unti-unti na namang nagiging pula ang kanyang mga mata.

"Die, bitch!" Nanggagalaiting sabi ni Ate Bel sabay taas ng kamay niya.

Mabilis na naipon ang hangin sa paligid ni Ate Bel.

Tumawang muli si Meridith. "I will die, but not in the hands of a Fallen!" Sigaw niya sabay taas ng kanyang kamay.

Anong gagawin niya?

Muntik na akong masuka nang buong pwersa niyang ibaon ang kamay niya sa kanyang puson. Lalo akong nandiri nang punitin niya ang kanyang balat gamit ang dalawa niyang kamay. Naaninag ko ang kislap galing sa pulang kristal sa loob ng kanyang katawan.

Dinukot niya mula sa loob ng kanyang sinapupunan ang pulang kristal. Hawak hawak niya itong ipinakita kay Ate Bel. Ngumisi siya bago niya tuluyang binitawan ang kristal na nalaglag sa simento.

Unti-unting naagnas ang katawan ni Meridith; katulad na katulad sa pagkaagnas ng katawan ni Lee kanina. Sa isang iglap ay naging alikabok ang kanyang katawan na humalo sa malakas na ihip ng hangin.

Nagpakamatay siya? Imposible!

"She's not yet dead!" Sigaw ni Ate Bel na bumalik na sa itim ang kulay ng mga mata.

Napakunot ang noo ko.

"Jenny!" Muling sigaw ni Ate Bel.

"Shit!" Sigaw ng babaeng estranghero.

Napatingin ako kay Jenny. Nakita ko ang paglabas ng kanyang kaluluwa sa kanyang katawan! Katulad na katulad ito sa nangyari noong na-possess siya sa loob ng bahay nila sa Baguio.

Oh no! Kahit hindi ko nakikita ay alam kong pumasok sa katawan niya si Meridith!

Patakbong lumapit ang babaeng estranghero sa katawan ni Jenny. Tinanggal niya ang kanyang itim na gwantes. Puno ng iba't-ibang mga simbulo ang kanyang kamay paakyat sa kanyang mapuputing mga braso. Inilagay niya ang kanyang palad sa noo ng katawan ni Jenny. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at nagsimulang bumigkas ng hindi ko maintindihang salita at dasal.

Gulat na gulat kaming lahat na nakapalibot sa kanilang dalawa. Walang magawa si Ethan na napako sa kanyang kinatatayuan. Ito ang mga pagkakataong ayaw niyang mangyari.

Nakita ko ang umiiyak na si Jenny habang nakatingin sa kanyang katawang nakaluhod. Bakit parati na lang siyang nasasaniban?

Tumawa si Meridith na parang wala lang sa kanya ang ginagawang dasal ng babae!

"That won't work on me!" Garalgal at matinis ang boses na sabi ni Meridith na patuloy sa pagtawa.

Nagsimulang mangitim ang paligid ng mga mata at bibig ng katawan ni Jenny. Hindi maganda ito!

Tumayo ang katawan ni Jenny at malakas na hinampas palayo ang babae. Nawalan ito ng malay nang tumama ang katawan nito sa pader. Sunod na dumako ang tingin ni Meridith kay Reyden na nakasandal malapit sa exit. Umalon sa kaba ang aking dibdib.

Hindi na makakalaban at makakakilos nang maayos si Reyden kapag sinugod siya ni Meridith; at siguradong hindi rin niya maaatim na saktan ang katawan ni Jenny!

Shit! Huwag na huwag na huwag pupuntahan ng mangkukulam na 'yan si Reyden! Akin lang si Reyden!

Nanggagalaiti akong tumakbo patungo sa katawan ni Jenny. Nangyari na ang ganito dati. Malas lang ni Meridith dahil nandito ako sa lugar na ito! Nagkamali siya ng napiling banggain!

I AM NINA: Truth & LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon