CHAPTER 25: Doubt

1.1K 101 20
                                    

Nina

Inabot ni Emy ang palad ni Reyden.

Napababa ang tingin ko sa magkahawak nilang mga kamay. Ilang segundo na ang lumipas pero hindi pa rin binibitawan ni Emy ang kamay ni Reyden.

Nilaparan ko ang aking pagkakangiti para hindi mahalata ang mga ngising gustong kumawala. Talaga naman oh! Bakit hanggang dito may nagpapapansin sa kanya? Binabawi ko na ang sinabi ko kanina; hindi siya mabait. She's a damn bitch with green eyes! Kasing green ng mata niya ang utak niya!

Si Reyden na ang bumawi sa kanyang kamay sabay kabig sa akin palapit sa kanya. Sinadya kong ipulupot ang mga kamay ko sa baywang ni Reyden para ipakitang akin lang siya.

"My girlfriend." Agad na sabi ni Reyden na napansin din siguro ang mga titig ni Emy sa kanya.

Pasimpleng ngumiti si Emy. "Nice to meet both of you! Hope to see you again! I need to go." Paalam niya sabay tapon ng malagkit na tingin kay Reyden.

Hinintay muna namin siyang makalayo bago kami nagsimulang maglakad pabalik sa apartment.

"Sabi ko naman sa'yo di ba, huwag kang nagsusuot ng hapit na hapit na t-shirt! Bakat na bakat kaya yang katawan mo lalo na yang nipples mo!" Nakataas ang kilay na sita ko sa kanya.

Napabuntong-hininga siya. "Excuse me, hindi na ako nakapagpalit dahil nakita kong wala ka sa kwarto niyo at nagmamadali akong umalis para sundan ka! Saan ka na naman ba pupunta? Bakit ba ang hilig mong lumakad mag-isa? Mula noon hanggang ngayon ang tigas-tigas ng ulo mo!" Nagpipigil niyang sigaw. Na-badtrip ba siya sa sinabi ko?

Napangisi ako. Mula noon hanggang ngayon!

"Walk faster!" Utos niya sabay hila sa akin.

"Reyden, bakit mo ko mahal?" Tanong ko habang mabilis kaming naglalakad pabalik.

Napasulyap siya sa akin pero hindi siya sumagot.

"It's because of my split, tama?" Ako na ang sumagot.

Tumigil siya sa pagalalakad at hinarap ako.

"Mahal na kita bago ko pa nalamang isa kang split!" Diretso niyang sagot.

"Pero bakit nga? You fell in love with me thinking that I am her, di ba?" Naibulalas ko.

Napakunot ang noo niya. "Yeah, that's one reason, but that doesn't mean my feelings for you are fake! Gusto kita dahil ikaw si Nina at gugustuhin pa rin kita kahit isa kang split o hindi!" Mariin niyang sagot.

Hindi ako umimik. Bakit pakiramdam ko hindi naman talaga ako ang mahal niya? Bakit unti-unti kong nararamdaman na hindi naman talaga ako ang kaibigan na gusto nilang makasama?

"Can you stop thinking about that. I know you're confused, but believe me- mahal kita, okay!" Masungit niyang sabi bago kami nagpatuloy sa paglalakad.

-----------------------------------------

Reyden

Umuulit-ulit sa isip ko ang sinabi ni Nina kanina. Ano bang nangyayari sa kanya? Nagseselos ba siya sa sarili niya? Alam kong nasungitan ko siya pero ano naman ang gusto niyang gawin ko, matuwa sa kanya?

Pare-pareho kaming pagod sa byahe tapos maaalimpungatan ako at makikitang wala siya sa tabi ni Ate Bel! Hindi niya ba alam na sobra akong nag-alala kung saan na naman siya nagpunta. Imbes na magpasalamat siya sa pag-aalala ko ay tataasan niya lang ako ng kilay at sasabihing huwag akong magsuot ng hapit na t-shirt! Kasalanan ko bang ganito ang itsura ko at parati akong tinititigan ng mga babae?

After niyang magtaray ay sunod niyang sasabihing minahal ko siya dahil sa split niya; what the hell is wrong with her! Ano bang nakain niya!

"Bro, hindi ka pa babangon?" Tanong ni Ethan na kalalabas ng banyo.

I AM NINA: Truth & LiesWhere stories live. Discover now