CHAPTER 44: Married

1K 100 45
                                    

Nina

"Nagri-ring sa loob." Sabi ni Ethan.

Naririnig naming nagri-ring ang telepono sa loob; sadyang wala lang talagang tao.

"They just left." Sigaw ng isang may edad na lalaki na nakatayo sa harap ng katabing bahay.

Napalingon kaming lahat sa kanya. Lumapit siya sa amin na nakapamulsa ang mga kamay.

"Who, Steven Lee?" Tanong ni Ethan sa lalaki.

"Yeah! The Lee who doesn't get old!" Bulalas ng lalaki.

"Do you actually know him?" Si Reyden ang nagtanong.

"Of course, we've been neighbors ever since!" Sagot ng lalaki.

"When did they leave?" Tanong ni Ethan.

"Just 30 minutes ago. He said they're going back to San Francisco for her sister-in-law's check-up." Sagot ng lalaki.

"Sister-in-law?" Taka kong ulit sa sinabi niya.

"He's married?" Gulat na tanong ni Ethan.

"Yeah. They stayed here for two days before leaving a while ago." Sagot ng lalaki.

Kahapon lang girlfriend tapos ngayon married na! Ano ba talaga?

"He's married to whom?" Takang tanong ni Reyden.

"To a young, white, hot chick. Really can't believe he still looks so young!" Sagot ng lalaki.

Kinuha ko ang aking cellphone sa bulsa ng aking pantalon. Hinanap ko ang pinaka-recent na selfie namin ni Ate Bel.

"Is this his wife?" Singit ko sabay pakita ng picture ni Ate Bel sa lalaki.

Mariin niyang tinitigan ang larawan. Umiling siya. "That's his sister-in-law." Sagot niya.

Napalunok ako sabay singhap ng hangin. Bakit niya ipinakilalang sister-in-law si Ate Bel?

"She looks healthy; how come she became paralyzed?" Curious na tanong ng lalaki.

Nagkatinginan kaming lahat. Paralyzed?

"What do you mean by paralyzed?" Agad na tanong ni Ethan.

"She was on a wheelchair the whole time." Sagot ng lalaki.

"Are you sure?" Pangungumpirma ni Reyden.

"Yeah." Siguradong-siguradong sagot ng lalaki.

"So they went back to San Francisco for her check-up?" Si Ethan ang nagtanong.

"Yeah." Muling sagot ng lalaki.

----------------------------------

Nasa sasakyan kami at pabalik sa San Francisco.

Gulong-gulo ang utak ko kaiisip kung ano ba talaga ang nangyayari?

"I really can't comprehend what's happening!" Si Ethan ang sumagot.

"Is it possible na bumigay ang katawan ni Ate Bel dahil sa nangyari sa simbahan?" Pag-aalalang tanong ni Reyden.

"I'm confused. Kung sakali mang naging gulay si Ate Bel, anong mapapala ni Lee sa pag-aalaga sa kanya?" Nagugulumihanan kong tanong.

"Is it possible na kaya ayaw na tayong makita ni Ate Bel dahil sa kalagayan niya?" Sabi ni Reyden.

"No, no, no! That can't be!" Desperadong usal ni Ethan.

"What do we do now? How can we find them?" Naguguluhan kong tanong.

"Hospital. That man said they are going for a check-up." Sabat ni Jenny.

I AM NINA: Truth & LiesWhere stories live. Discover now