CHAPTER 45: NOT ME

1K 92 61
                                    

Nina

Inabot ni Reyden ang kamay ko at marahan itong hinimas-himas.

"Nina, tama si Ethan. We need to think about this. You were trapped by Meridith for more than a week. She must have said something; clues, information, or whatsoever. We have been on a lot of difficult situations before and we managed to solve each one of them. We can find Ate Bel as long as we can figure out what's happening. We need you on this!" Payo ni Reyden.

Napahinga ako nang malalim. Aligaga akong tumango. Alam kong may paraan para mahanap namin si Ate Bel; kailangan ko lang kalmahin ang aking sarili.

"Okay." Mahina kong usal habang pinapabagal ang aking pagsinghap.

Pagkatapos kong uminom ng maraming tubig at pahirin ang basa kong mga pisngi ay pinilit ko ang sarili kong mag-isip. Inalala ko ang lahat ng mga pangyayari simula noong makilala ko si Meridith.

"Nasa katawan pa lang ako ni Jane nang makilala ko si Meridith. The day she saved my life was the day she gave me the red crystal bracelet." Bungad ko.

"Ang tanong bakit?" Si Ethan ang nagsalita.

"Iyon ang nakakapagtaka; bakit ako?" Sagot ko.

"Maybe because you're a split." Sagot ni Reyden.

"She gave the bracelet para hindi ako maglaho, para ma-trap niya ako at mapahirapan." Sabi ko.

"Because she is an illegal exorcist wanted for killing splits." Dagdag ni Ethan.

"You're right. Pero parang may mali; if she really wanted to kill a split; dapat hinayaan niya na lang na mamatay si Jane that day. In that way, mamamatay ako ng tuluyan." Sabi ko.

"Tama ka, bakit ka pa niya kinulong kung gusto ka niyang patayin? Bakit kailangan ka niyang pahirapan?" Naguguluhang tanong ni Reyden.

Malalim akong napaisip. "Ano ang mapapala niya sa pagpapahirap sa akin?" Tanong ko.

Napatitig sa akin si Ethan. "There must be something in you that she's interested about." Sabi niya.

Napakunot ang noo ko sa pagtataka. Maraming pagkakataon na pwede niya akong patayin kung iyon talaga ang pakay niya. Ibig sabahin ay may gusto siyang ibang gawin. "Ano ang nakita niya sa akin?" Taka kong tanong.

Walang nakaimik sa amin.

"Let's keep that aside and think of something else." Suggestion ni Reyden dahil dead end na naman ang aming usapan.

"Meridith planned everything simula pa lang noon. Pagkadating na pagkadating natin dito sa California ay siya ang una mong nakilala." Patuloy ni Reyden.

"Yeah. She's tricking us using a different name. The moment we found out that Meridith and Emy are one and the same was the moment we saw the message on the wall." Patuloy ni Ethan.

"So, it means, alam niyang pupuntahan natin siya." Sabi ko.

"At bakit gusto niya tayong pumunta?" Tanong ni Reyden.

"Si Lee! Simula pa lang magkakampi na silang dalawa. The day we went at that apartment is also the day we were paralyzed. Takang-taka tayo kung paanong napunta yung gamot dito sa loob ng apartment. He visited Ate Bel that day!" Inis na sabi ni Ethan.

"If we're going to look at it, Lee is a nurse. He knows a lot about drugs." Sabi ni Reyden.

Napahawak ako sa aking noo. Ano ang koneksyon ng lahat ng mga pangyayari?

"Lee started dating Ate Bel around April. Simula pa lang noon may binabalak na silang gawin. Meridith and Lee are couples. They exchange information kaya alam na alam ni Meridith na dumating na tayo rito sa California dahil may contact si Lee kay Ate Bel." Dugtong ko.

I AM NINA: Truth & LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon