CHAPTER 68: Fourth

930 91 31
                                    


Nina

Nananakit ang mga buto-buto ko nang magising ako. Idinantay ko ang aking kamay sa higaan. Takang-taka ako nang makita ang papag na kamang aking hinihigaan. Anong nangyari sa kutson ng kama ni Reyden?

Inilibot ko ang aking mga mata sa paligid. Napaawang ang bibig ko nang makita ang mga kawayang dingding at pawid na bubong ng maliit na barong-barong. Paano ako napunta rito? Anong ginagawa ko rito? Niloloko ba ako ni Reyden? Paano ako nalipat dito ng hindi man lang ako nagigising?

"Reyden?" Tawag ko sa kanya.

Pero walang sumagot. Muli kong pinagmasdan ang kwadradong barong-barong. Iisa ang pintuan at walang mga bintana maliban sa awang sa kisame at dingding. Tumayo ako at naglakad pero biglang nahila ang kanan kong paa pabalik sa kama.

Nakita kong may kadenang nakatali sa aking sakong na nakakabit sa matabang posteng kawayan. Nabahiran ng pangamba ang aking mukha. Anong nangyayari? Tinitigan ko ang aking sarili. Nangayayat ako at bahagyang nangitim ang kulay ng aking balat.

Napasimangot ang aking mga labi. Hindi ko ito katawan! Namuo ang luha sa aking mga mata. Akala ko ba tapos na ang misyon ko, bakit lumipat akong muli sa ibang katauhan? Kinapa ko ang aking leeg, kasama ko pa rin ang kwintas!

Parang nayanig ang mundo ko nang mag-sink in sa utak ko kung ano ang nangyayari. Tumulo ang mga luha sa aking mga mata habang nakatitig sa mga kamay ng babaeng aking sinaniban. Sino ka? Biglang kumulo at tumunog ang aking tiyan, nagugutom ako!

Agad kong pinahid ang luha sa aking mga mata. Wala akong mapapala sa pag-iyak. Sanay na ako sa ganitong set-up kaya alam kong kakayanin ko ito. Kakayanin ko ulit! Hindi ako pwedeng sumuko! Sumagi sa isip ko ang panaginip. Ang Guardian! Baka nasa paligid ang Guardian!

"Guardian!" Tawag ko sa kanya. "Please, magpakita ka! Alam kong alam mo kung bakit ako nandito! Bakit ako naging split ulit! You said tapos na ang misyon! Nagawa ko na ang deal, bakit na naman ako lumipat!" Sigaw ko sa abot ng aking makakaya.

Naghintay ako ng ilang segundo pero walang nangyari.

Napabuntong-hininga ako. Paano ako makakaalis dito! Pinagtuunan ko na pansin ang paligid. Bukod sa dingding at sa papag na kama ay wala ng ibang laman ang maliit na barong-barong. Walang kahit anong gamit na pwede kong gamitin sa pagtakas.

Muli akong lumakad at tiningnan kung hanggang saan aabot ang kadenang nakatali sa aking paa. Dalawang talampakan lang ang nailayo ko sa kama. Shit!

Bumalik ako sa kama at tumungtong sa papag. Inabot ko ang awang sa pagitan ng dingding at kisame at pilit na sumilip sa labas. Nakita kong purong kawayan at halaman lang ang nasa paligid.

"Tulong! Tulong!" Paulit-ulit kong sigaw nagbabakasakaling may mapadaan at mapansing may taong nakakulong dito.

Nang mapagod ako ay muli akong naupo sa kama at sumandal sa dingding. Humihingal akong napasinghap ng hangin kasabay ng pagreklamo ng tiyan ko. Kahit tubig man lang sana!

----------------------------------------

Ethan

"Dark said it's possible." Balita ko sa kanila pagkapasok kong muli sa kwarto.

Mariin lang silang nakatitig sa akin at naghihintay ng aking sasabihin. Napatigil ako sa pagkwekwento nang pumasok ang dalawang nursing aid at sinimulang ayusin ang mga aparatos na nakakabit sa katawan ni Nina para mailipat siya sa ibang kwarto.

Tahimik kaming nakasunod sa dalawa hanggang sa maipasok siya sa isang private room at maiayos ang life support machine. Pagkalabas na pagkalabas nila ay agad kaming nagkumpulang tatlo.

I AM NINA: Truth & LiesWhere stories live. Discover now