CHAPTER 29: Distraction

1.1K 118 31
                                    

Nina

"She's a girl, so maybe she's travelling at a speed of 80 kilometers per hour. Ginawa kong 1-and-a-half-hour para mas makasigurado tayo. Nina is just inside this circle!" Sabi ni Reyden sabay turo sa bilog sa mapa.

"Jane said Meridith is going to the other direction." Sabi ni Ate Bel.

"Saan nakatira si Jane?" Tanong ni Reyden. Kinuha ni Ate Bel ang mapa at hinanap ang bayan kung saan nakatira si Jane. Tinuro niya ito kay Reyden.

"Ethan, can you project sa google map the exact roads para makita natin kung saan siya pwedeng dumaan?" Utos ni Reyden.

Kinuha ni Ethan and laptop at sinunod ang sinabi ni Reyden. Pagkatapos naming tingnan ang mapa ay gumihit si Reyden ng linya sa gitna ng bilog.

"Nina is somewhere here." Sabi niya sabay turo sa kanang kalahati ng bilog.

"Wow, how'd you do that?" Manghang-manghang tanong ni Ethan.

"Basic Math; distance, speed, time." Nakangiting sabi ni Reyden. 

"Really that's basic?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ethan.

"Yeah." Natatawang sabi ni Reyden.

Naguguluhan pa rin si Ethan.

"Sabi na nga ba eh, kumopya ka lang talaga noon kay Nina kaya ka pumasa ng college." Pang-aasar na sabi ni Ate Bel.

Natawa akong bigla.

"Wow, makapagsalita. So, Ate Bel, ituro mo kung paano niya nakuha!" Hamon ni Ethan.

Napataas ang nguso ni Ate Bel. "Kaya nga ako nurse di ba, dahil ayoko ng math!" Sagot niya.

Nagkatinginan na lang kami ni Reyden sabay tawa habang nagsasagutan ang dalawa.

"Akin na nga yang laptop, uumpisahan ko nang maglista." Sabi ko.

Sinimulan kong i-search at ilista lahat ng simbahan na nasa loob ng kalahating bilog.

Hintayin mo lang kami, makikita ka rin namin. Parating na kami!

-----------------------------------

Sabay sabay kaming umupo sa palibot ng isang mesa sa loob ng isang restaurant. Hapon na at katatapos lang naming lumibot sa 8 simbahang nasa listahan.

Wala kaming nakitang kahit anong clue. Sa lahat ng taong napagtanungan namin ay wala man lang nakakakilala sa babaeng nangngangalang Meridith. Limang simbahan na lang ang hindi namin napupuntahan.

"Are you sure we are doing the right thing?" Pagdududa ni Ethan.

"Yeah, we just need to search." Sagot ni Reyden.

"I think we are missing something." Sabi ni Ate Bel.

"Do you have something in mind?" Tanong ni Reyden.

"Come to think of it. Nina said inside an old church, lahat ng napuntahan natin ay mga bagong simbahan na maraming taong pumupunta." Sagot ni Ate Bel.

Napakunot ang noo ko. Tama nga naman siya.

"If Meridith is an exorcist and she needs to do exorcism, malamang gagawin niya 'yon sa lugar na walang taong makakakita. Mukhang nagkamali yata ako, I should have searched for old churches and not just all the churches inside the semi-circle." Pag-amin ko.

"Let's check again. Balik tayo sa apartment after eating then have another plan." Sabi ni Reyden.

Nakabalik kami sa apartment. Agad na ibinigay sa akin ni Ethan ang kanyang laptop at inulit kong muli ang pagsi-search. Naghanap ako ng mga luma at abandonadong simbahan.

I AM NINA: Truth & LiesWhere stories live. Discover now