Chapter 62: Lady

1K 83 30
                                    


Ethan

"Nathan!" Sobrang alala kong sigaw habang patakbo ako sa kanya.

Hindi ko maipinta ang mukha ko nang makita ang punching bag na tumama sa pader. Pati pader ay nagkaroon ng lamat sa lakas ng impact! Shit, Nathan!

Hinihingal ako sa sobrang kaba hanggang sa makita ko siyang nakahiga sa sahig at buhay pa. Napakunot ang noo ko dahil hindi lang siya ang nakahiga; may babaeng nakapatong sa kanya.

Matalim ang mga titig na itinapon sa akin ng babae. Pamilyar ang kanyang itsura. Tumayo siya at agad akong kwinelyuhan.

"What the fuck are you trying to do!" Singhal niya.

Napansin ko ang itim na gwantes sa kanyang kanang kamay. Nakita ko na talaga ang gwantes na iyon.

"It's not his fault, it's mine!" Pigil ni Bel na namumutla dahil sa nangyari.

"Of course it's yours, Fallen!" Seryoso niyang sabi.

"Dark?" Nag-aalilangan kong tanong. Siya lang ang tumatawag ng Fallen kay Bel. Paanong naging mahaba ang buhok niya?

"It's really you! Lady Georgina, Nathan's Fiancee!" Gulat na sabi ni Bel.

Napabuntong-hininga ang babaeng nasa aking harapan. Binitiwan niya ang t-shirt ko.

"I knew it, Lady in the Dark!" Muling sabi ni Bel sabay ngisi. What the hell. Yung babae sa party at si Dark ay iisa!

Bumangon ang tulala at tulirong si Nathan. Agad ko siyang nilapitan at niyakap.

"God! I thought you're dead!" Hindi ko napigilan ang aking emosyon. Ni minsan hindi ko ipinakitang may pakialam ako sa kakambal kong ito kahit ang totoo ay meron.

Hindi ko malaman kung ano ang nararamdaman niya pero tinapik tapik niya ang likod ko na parang gusto niyang sabihing okay lang siya.

"I'm really sorry, Nathan!" Singit ni Bel na sising-sisi.

"How did you do that?" Gulat at bilog na bilog ang mga matang tanong ni Nathan kay Bel pagkatapos niyang kumawala sa aking pagkakayakap.

Napakamot ako ng ulo.

"And you, what the hell are you doing here!" Mariin niyang tanong kay Dark.

Ngumisi si Dark. "Saving my fiance's ass, I guess." Sarcastic niyang sagot.

"What happened?" Alalang-alalang tanong ni Mom pagkapasok na pagkapasok niya sa gym.

Lalo siyang nag-alala nang makita ang sirang punching bag at ang lamat sa pader.

"Nothing Mom!" Agad kong sabi sabay akbay sa kanya. "We are just playing around!" Masigla kong dugtong para hindi siya mag-alala.

"Really?" Halatang hindi siya naniniwala.

"Are you okay, Nathan?" Agad niyang tanong sabay lapit sa namumutlang si Nathan.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ng aking kakambal at marahan itong hinipo.

"I'm fine, Mom." Tuliro pa ring sagot ni Nathan.

Napangiti si Mom. "That's the first time you called me Mom." Bulong niya.

Hindi nakaimik si Nathan. Napangiti ako.

----------------------------------------------

"I would really like to apologize for the misunderstanding." Magalang na sabi ni Dark habang nakaharap kay Mom and Dad.

I AM NINA: Truth & LiesWhere stories live. Discover now