CHAPTER 12: Confession

1K 101 16
                                    

Note: Maaga po ang update ngayon dahil mag-uupload pa ako ng isa pang chapter mamayang gabi! After po ng Chapter 13- Sunday na po ulit ang update dahil aalis muna si Author! 


Reyden

Matagal akong nag-isip bago ako nagkalakas ng loob na harapin si Nina at maki-usap na huwag na siyang umalis. Pasado alas-siete na nang lumabas ako sa opisina at tumuloy sa isang bakeshop kung saan mabibili ang paboritong chocolate cake ni Nina dati.

Alam kong magugustuhan rin ito ni Nina dahil parehong-pareho sila ni Nina noon. Ni minsan hindi pa namali ang mga ginawa ko para sa kanya dahil parati kong iniisip na magkatulad sila.

Pagkatapos kong bumili ng cake ay nagtungo ako sa isang flower shop at bumili ng isang boquet ng pink roses. Katulad na katulad ito ng boquet na ibinibigay noon ni Ethan kay Nina sa tuwing sasapit ang May 28.

Kapag nagkataon na nandito si Ethan at makilala niya si Nina, magiging malapit din kaya sila sa isa't-isa? Posible kayang nagkita na silang dalawa sa Baguio noon dahil may pagkakataong doon din nag-aral si Ethan?

Pagbalik ko sa kotse ay agad ko na itong pinaandar para makauwi kaagad. Napahawak ako sa aking sintindo nang hindi umuusad ang mga sasakyan sa aking harapan.

Bakit ngayon pa sobrang nag-traffic!

Inip na inip na ako kahihintay hanggang sa lumuwag ang kalsada. Inabot ako ng halos isa't kalahating oras pauwi. Pasado alas nuwebe y medya na nang makarating ako sa condo.

Huminga muna ako nang malalim bago ko binuksan ang pinto. Lahat ng pagdadalawang isip na meron ako mula pa kahapon ay tinapon ko ng lahat. Isa lang ang gusto kong mangyari at iyon ay ang magkaayos kami ni Nina.

Bukas ang ilaw sa loob pero hindi ko nakita si Nina. Inilapag ko ang cake sa dining table at binitbit ang bouquet papunta sa guess room.

Bago ako makakatok ay naulinigan ko ang boses ni Nina. Napatingin ako sa veranda at naanig kong naroon siya at may kausap sa telepono. Marahan akong lumapit upang hindi siya maistorbo.

Tumigil ako sa likod ng kurtina at sinilip siya.

"Yeah, I'm confirming my reservation on May 31 at 5pm." Narinig kong sabi niya.

Hindi ako umalis at patuloy ko lang siyang pinakinggan.

"Table for 25. Pa-order din ako ng cake, pakilagyan ng Happy Birthday Nanay." Patuloy niya.

Mukhang naghahanda siya para sa kaarawan ng kanyang ina.

"My first name? Okay, my name is Nicole, Nicole Nathalie." Huli niyang sabi bago niya ibinaba ang telepono.

Muntik ko nang mabitawan ang bouquet na hawak ko. Napako ako sa aking kinatatayuan habang tulalang nakatingin sa kanya. Ulit-ulit kong naririnig ang pangalang sinabi niya kanina. Bakit hindi ko man lang naisipang itanong ang tunay niyang pangalan nitong mga huling araw?

Ngayon ko lang napagtanto na kapag pinagdugtong ang unang dalawang letra ng pangalang Nicole Nathalie ay Nina ang kalalabasan.

Saan nakuha ni Mia ang pangalang isinulat niya sa maliit na papel? Bumalik sa aking ala-ala ang lahat ng mga pangyayari noong mga nakaraang taon at ang mga bagay na gumugulo sa aking isipan. Ang mga panaginip kung saan nakikita ko ang isang babaeng iba kay Celine at Mia pero nangyari sa mga panahong pareho ko silang kasama.

May MPD si Celine. Ang isang persona niya ay nagngangalang Nina. Tinatawag na ni Ate Bel na Nina si Celine simula pa lang noong nagising siya mula sa coma. Ilang beses nabanggit ni Ethan ang pangalang Nina nang magkasabay silang managinip noon ni Celine. Sinabi ni Ethan ang salitang ghost nang tanungin ko siya kung sino si Nina.

I AM NINA: Truth & LiesWhere stories live. Discover now