CHAPTER 53: Kissed the Wrong Guy

1K 96 31
                                    

I'm back! Happy to update again! Hope you'll love this chapter at ang mga susunod pa- break muna tayo sa action/mystery/ghost---- love story muna tayo! 

------------------------------------------------

Nina

"Okay try this one, again!" Utos ni Ethan kay Ate Bel sabay patong ng babasaging baso sa mesa.

Itinapat ni Ate Bel ang kanyang kamay sa baso hanggang sa gumalaw ito at biglang mabasag. "It's not working!" Nakangiwing sabi ni Ate Bel.

"Try again!" Sabi ni Ethan sabay kuhang muli ng isa pang baso.

"Anong try again!" Sabi ni Reyden sabay kutos kay Ethan. "Ubos na ang baso natin!" Kunwaring inis niyang sabi.

Natawa ako. Pagkagising na pagkagising namin kaninang umaga ay nangulit na itong si Ethan na subukan ni Ate Bel na pagalawin ang baso. Napapagalaw naman niya ito pero nababasag din kalaunan.

"Yeah, let's stop! Mahal ang mga basong 'yan!" Ngingiti-ngiting sabi ni Ate Bel.

"Okay, fine. Once we're in Canada, bibilan kita ng maraming baso para pag-practisan mo." Nakangiting sabi ni Ethan.

"We're going to Canada?" Takang tanong ni Ate Bel.

"Yes Ate, you all need to drop me off sa Canada before going back to the Philippines." Sabat ni Jenny.

"You also need to meet someone." Dugtong ni Ethan.

"Who?" Curious na tanong ni Ate Bel.

"Hep, hep, hep!" Pigil ko. "I need to talk to Ate Bel before anything else." Singit ko.

"No, Ate Bel and I need to talk." Sabi ni Ethan sabay mulagat ng kanyang mga mata sa akin.

Napakunot ang noo ni Ate Bel sa pagtataka.

"Just tell her you have a twin brother!" Sigaw ni Reyden.

Napangisi ako nang sobrang lapad. Kainis 'tong si Reyden! Dadahan-dahanin ko nga para hindi mabigla si Ate Bel tapos bigla niya na lang sasabihing may kakambal si Ethan--- my god!

"The hell's wrong with you Reyden! You're spoiling the fun!" Nakukunsuming banat ni Ethan.

Tumawa nang malutong si Reyden. "Oh come on, give Ate Bel a break!" Sagot niya na tuwang-tuwa pa sa panlalaglag niya sa amin.

"What did you say?" Tanong ni Ate Bel na hindi mawari ang itsura ng mukha.

Napabuntong-hininga nang malalim si Ethan. "You owe me a slap!" Sabi niya sabay lapit kay Ate Bel.

Tulala si Ate Bel na nakatingin kay Ethan. "Don't joke around, it's not funny." Kinakabahan niyang sabi.

"We're not joking. Nina told me everything; you went to Canada and saw me with a woman. Kaya mo ko sinampal dahil akala mo nakikipaglandian ako sa iba, tama?" Diretsong sabi ni Ethan.

Namumutlang napatingin sa akin si Ate Bel. Agad siyang umiwas kay Ethan at lumapit sa akin. Mahigpit niyang hinawakan ang aking pulsuhan at hinatak ako papasok ng kwarto. Pagkapasok namin ay agad niyang isinara ang pinto.

"What is he talking about?" Nagpapanic niyang tanong.

"Ate Bel, hindi si Ethan ang nakita natin noon sa Canada. It was his twin brother, Nathan." Malumanay kong paliwanag.

Natameme si Ate Bel sabay hawak sa magkabilang gilid ng kanyang ulo. Pabalik-balik siyang naglakad sa aking harapan na waring nawawala sa kanyang katinuan. Aligaga siyang tumingin sa akin.

I AM NINA: Truth & LiesWhere stories live. Discover now