CHAPTER 16: Still In Pain

1.1K 101 37
                                    

Reyden

Halos isang oras akong nakatayo sa tapat ng pinto. Ulit-ulit ko na lang na nilulunok ang aking laway para lang tiisin ang naririning kong panaghoy mula kay Nina. Wala man lang akong magawa para matulungan siya.

Kung totoo ang sinabi ni Ethan na nararamdaman niya lahat ng nararamdaman ng kanyang kaluluwa, ibig sabihin ay may nananakit sa kanya sa mga oras na ito! Anong klaseng tao ang nagagawa siyang saktan ng ganito!

Nang matahimik ang loob ng silid ay dahan dahan kong binuksan ang pinto. Nanlumo ako nang makita si Nina na walang malay na nakahiga sa sahig. Nasa lapag ang kobre kama at comforter na nakapitan niya siguro habang tinitiis ang sakit.

Namuo na naman ang luha sa aking mga mata nang makita ko ang kanyang maamong mukha na punong-puno ng pinaghalo-halong pawis, luha, sipon, laway, at dugo mula sa labi niyang nasugat dahil sa diin ng kanyang pagkakakagat.

Agad akong kumuha ng bimpo at pinunasan ang kanyang mukha pagkatapos ay binuhat ko siya at inilapag sa kama. Basang-basa ng pawis ang buo niyang katawan at ang kanyang buhok. Anong pwede kong gawin para sa kanya?

Hinagod ko ang kanyang buhok sabay halik sa kanyang noo. Ipinagpatuloy ko ang pagpunas sa kanyang mukha pababa sa kanyang leeg nang mapansin ko ang kwintas na suot niya.

Napamulagat ako nang maalalang ito ang parehong kwintas na suot ni Mia na galing kay Ethan. Paanong napunta ito sa kanyang leeg?

"Ethan!" Malakas kong sigaw.

Pahangos na pumasok ng silid si Ethan at mabilis na lumapit sa amin.

"What's wrong?" Nagpa-panic niyang tanong.

Agad kong ipinakita ang kwintas sa leeg ni Nina. Maging siya ay nanlaki ang mga mata nang mapagtanto niya ang kanyang nakikita.

"Oh my God!" Naibulalas niya sabay sampa sa kabilang side ng kama.

Hinawi niya ang buhok ni Nina at hinawakan ang batok nito. Marahan niyang tinapik ang pisngi ni Nina para gisingin.

"Nina! Nina! Wake up, please!" Nakiki-usap na tawag ni Ethan.

Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Nina sabay usal ng panalangin. Please God wake her up!

Unti-unting bumukas ang mga mata ni Nina. Titig na titig kami ni Ethan sa kanyang mga mata.

"Help me, please. Help m...." Nagmamakaawa niyang sambit.

Unti-unting naglaho ang kwintas sa kanyang leeg kasabay ng kanyang pagpikit.

Hindi kami makapaniwalang nagkatinginan ni Ethan. Muling inilapag ni Ethan ang ulo ni Nina sa unan saka siya malalim na napabuntong-hininga.

"What's happening?" Naguguluhan niyang tanong.

Hindi ako nakasagot dahil hindi ko rin alam kung ano ang nangyayari!

Lumipas ang ilang oras na pakiramdam ko ay napakatagal. Maya't maya ay sinisilip namin si Nina sa loob ng kwarto para makatiyak na ayos lang siya. Naguguluhan talaga kami sa mga nangyayari. Kung bakit ba kasi hindi namin ma-contact si Ate Bel ngayong kailangang-kailangan namin siya.

Napatayo ako sa sofa nang marinig kong bumukas ang shower sa guess room. Agad akong lumapit at sinilip ang loob. Wala na si Nina sa kama at sarado ang CR. Bahagya akong napangiti at nabunutan ng tinik sa dibdib dahil mukang ayos na siya at may lakas na siyang kumilos kahit papano.

Nakapagpalit na siya ng damit pagkalabas niya ng banyo. She looks and smells so fresh kahit nababanaag pa rin ang nanlalalim at namumugto niyang mga mata.

I AM NINA: Truth & LiesWhere stories live. Discover now