CHAPTER 30: Naked

1K 94 33
                                    

Nina

Kailangan niya lang ng tulong kaya siya buhat-buhat ni Reyden! Ulit-ulit kong usal sa aking isipan.

Pumasok kami sa building na itinuro ni Emy at sumakay sa elevator. Lumabas kami sa 13th floor at tumuloy sa unit-6. Pakiramdam ko ay nagtaasan ang mga balahibo ko nang pumasok kami sa loob ng apartment; kakaiba ang hangin sa loob.

Inilapag ni Reyden si Emy sa itim na sofa. Napa-aray si Emy sabay himas sa kanyang sakong.

"It really hurts." Hindi maipinta ang mukha niya habang nagsasalita.

"Let's put some ice." Sabi ni Reyden.

Nagprisinta ako na ako na ang kukuha ng yelo sa ref. Pagtungo ko sa kitchen ay napakunot noo ako nang makitang walang kahit anong nakapatong sa mga counter. Talaga bang nakatira siya rito? Bakit wala man lang kagamit-gamit?

Lumapit ako sa ref at binuksan ito. Napaatras ako nang bumungad sa akin ang kulob na amoy ng ref. Hindi ito gumagana. Bumalik ako sa sala.

"Your fridge is not working!" Sabi ko.

Napangiwi siya. "Sorry, I just moved in." Pagdadahilan niya.

"I saw a convenient store nearby; I'll just buy some ice!" Sabi ko para matapos na kami at makauwi na.

Pinandilatan ako ng mata ni Reyden. Sasama sana siya pero nakiusap si Emy na tulungan siya ni Reyden papunta sa kwarto.

Nagmamadali na akong bumaba muli. Malapit na ako sa convenience store nang mapatigil ako; wala akong perang pambili! Iniwan ko sa apartment ang cellphone at coin purse ko.

Napakamot ako ng ulo. Tumalikod ako at muling bumalik sa apartment ni Emy para humiram ng pera kay Reyden.

Nadatnan kong nakaawang ang pinto ng unit niya. Pagpasok ko ay wala akong naabutang tao sa sala. Nasaan sila? Napadako ang tingin ko sa saradong kwarto.

May kung anong pangamba akong naramdaman. Nagsalubong ang kilay ko na kulang na lang ay magdikit ang mga ito. Anong ginagawa nila sa loob ng kwarto? Marahan akong lumapit.

Tumigil ako sa tapat ng pinto. Pipihitin ko na sana ang doorknob nang marinig kong may magsalita.

"Don't pretend, I know you want this!" Sabi ni Emy na nagpakulo sa dugo ko.

-------------------------------------

Reyden

Kung bakit ba kasi napakahilig tumulong nitong si Nina; ayoko sanang buhatin ang babaeng ito dahil alam kong hindi naman malala ang paa niya. Umaarte lamang ba siya o sadyang maarte lang siyang talaga!

Bakit kasi magsusuot siya ng napakataas na heels na hindi naman niya kayang ilakad! Napatingin ako kay Nina nang pumulupot sa aking leeg ang mga kamay ni Emy. Mukhang hindi naman siya nagseselos. Ramdam ko sa aking dibdib ang nakadikit na katawan ni Emy lalong lalo na ang kanyang hinaharap na pakiramdam ko ay sadya niyang idinidikit!

Ayoko sa mga ganitong babae!

Napilitan na lang akong buhatin siya hanggang sa tinitirahan niyang apartment. Ibinaba ko siya sa sofa. Sinabi kong lagyan namin ng yelo ang kanyang paa para maampat ang pamamaga kung mamamaga nga.

Nang sabihin ni Nina na hindi gumagana ang ref ni Emy ay gusto kong ngumisi. Noong isang araw pa namin siya nakilala sa daan, paanong hanggang ngayon ay hindi man lang niya binuksan ang kanyang ref?

Pasimple kong pinandilatan ng mata si Nina nang mag-volunteer siyang bumili ng yelo. Gusto kong sabihin sa kanyang umalis na kami dahil may kakaiba akong nararamdaman sa babaeng ito. Sasamahan ko sana siya nang makiusap si Emy na dalhin ko siya sa kanyang kwarto.

I AM NINA: Truth & LiesWhere stories live. Discover now