CHAPTER 18: Insane

1K 111 29
                                    

Reyden

Hindi ko na mabilang kung ilang beses nang muntikang malaglag ang panga ko sa sahig dahil sa mga pinaggagagawa at pinagsasasabi nitong si Ate Bel.

Napahugot ako na hangin sabay pameywang nang lumabas sa bibig niya ang salitang gay.

"Ate Bel, can you please calm down." Pakiusap ko sa kanya dahil mukha siyang tense na tense simula nang makita niya si Ethan.

Hindi ko alam ang dahilan kung bakit bigla na lang niyang sinampal si Ethan. Sa pagkakaalala ko ay sila itong sobrang malapit sa isa't isa.

"Calm down? Wow, I really didn't expect na kayong dalawa ni Ethan-" Patuloy niyang pag-a-assume na agad kong pinutol.

"No, Ate Bel! Stop assuming things!" Pigil ko sa kanya.

Huminga siya nang malalim at pilit na pinakalma ang kanyang sarili.

"So, where is your wife?" Seryoso niyang tanong.

Mukhang kinagat talaga niya ang sinabi kong kasal na ako. Payback time, I guess.

"She's sleeping inside that room, our room. Ethan is staying on the other side; nagbabakasyon lang siya rito. Okay na?" Paliwanag ko sa kanya.

Tinitigan niya ako sa mata na parang gusto niya akong lapain.

"Who told you to get married?" Inis niyang tanong.

Kunwaring napaisip ako. "Why? Don't I have the right to get married?" Balik kong tanong sa kanya.

Mas lalo siyang nainis. Hinampas niya ang aking balikat.

"Damn you Reyden! Magsama kayong dalawa ni Ethan; mga taksil!" Singhal niya sabay talikod.

Muli niyang binitbit ang kanyang backpack. Aktong lalabas na siya ng pinto nang bigla akong humagalpak ng tawa.

Natigilan si Ate Bel sa pagpihit ng doorknob. Nakataas ang kilay niyang humarap sa akin.

"You're making fun of me!" Pataray niyang singhal.

Tumawa akong muli.

Binitawan ni Ate Bel ang kanyang backpack sabay lapit sa akin. Muli niyang hinampas ang aking braso.

"You're not yet married!" Sigaw niya.

"Yeah, but I have a girlfriend!" Pang-aalaska ko na naman sa kanya.

"Stop joking around! May malulungkot kapag nalaman niyang may iba kang babae!" Sa wakas may nasabi siyang gusto kong marinig.

"Who?" Panunubok kong tanong sa kanya.

Napaatras siya sabay buntong-hininga. "Aalis na 'ko. It was my mistake na ikaw ang una kong naisip puntahan." Sabi niya para umiwas.

Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa pinto.

"Everything happens for a reason. There is no such thing as coincidence in this world, Ate Bel. You have a reason why you're here. There's also a reason kung bakit ako ang una mong naisipang puntahan. I already know everything." Habol ko sa kanya bago pa siya makalabas.

Tumigil na naman siya sa paglalakad pero hindi siya humaharap. "Ethan told you everything?" Tanong niya.

"No, alam ko na bago pa dumating si Ethan." Sagot ko.

Narinig ko ang malakas niyang buntong-hininga. Isinara niya ang nakaawang ng pinto at seryosong humarap sa akin.

"You don't need to hide anything from me anymore." Kalmado kong sabi.

I AM NINA: Truth & LiesWhere stories live. Discover now