CHAPTER 24: Emerald

1.1K 114 29
                                    

Nina

Pagkatapos kong mag-empake ay tinawagan ko si Nanay at Tatay para magpaalam. Sinabi kong lilipad ako pa-US para komunsulta sa isang magaling na doktor na maaring nakakaalam ng aking sakit.

Nang sabihin kong kasama ko si Ethan at Ate Bel ay wala na rin silang nagawa kundi ang payagan ako.

Ngayon alam ko na kung ano ang nangyayari sa akin. Hindi ako isang ordinaryong tao, isa akong split. Kalahati ng kaluluwa at pagkatao ko ay nasa California. Kailangan namin siyang mahanap, kailangan namin siyang tulungan!

Bukod doon, kailangan kong malaman kung ano si Ate Bel! Napapikit ako. Naalala kong muli ang panaginip; ang oras na binitawan ko ang kamay ni Ate Bel, ang oras na naghiwalay kami ng aking split. Kinuyom ko ang aking kamao. Hindi ko na siya mararamdaman at hindi ko na siya mapapanaginipan. Wala na akong paraan para maitanong kung nasaan siyang talaga.

Sa kabila ng aming paghihiwalay ay isa lang ang siguradong gagawin ko; hahanapin ko siya- kahit anong mangyari!

Lumipad kaming apat pa New York eksaktong alas siyete ng umaga. Pagkarating namin ay tumuloy kami sa tahanan ng pamilya ni Reyden para makapagpahinga kahit papano. Mommy niya lang ang naabutan namin sa bahay dahil may business trip ang kanyang ama habang nasa boarding school naman ang kanyang nakababatang kapatid na babae.

Magiliw ang pagtanggap sa amin ni Tita Grace na hindi ko man lang nakitaan ng kahit anong kaartehan sa katawan at ugali kumpara sa mga mayayamang kilala ko.

Buong pag-aakala niya ay kasintahan talaga ako ni Reyden at magpapakasal na kami. Nagbiro pa siya na baka raw buntis na ako kaya meet the parents na kaagad. Paano akong mabubuntis, wala pa ngang nangyayari sa aming dalawa, nakakaloka!

Wala kaming reaksyon ni Reyden kundi ang matawa at dumipensa sa mga joke ni Tita. Nakita kong sobrang napangiti si Reyden nang sabihin ni Tita na gusto na niyang magka-apo. Napatingin si Reyden sa akin sabay kindat. Parang gusto niyang sabihin na sundin na namin ang sinasabi ni Tita.

Iiling-iling na lang akong napangiti.

Wala pa kaming dose oras sa New York ay lumipad na kami pa-California.

Pagkapasok sa apartment na nirentahan namin ay agad akong humiga sa kama. Ang bigat ng ulo ko. Ngayon ko naramdaman ang pagod at jetlag sa biyahe. Halos 12-hour ang difference ng oras sa Pilipinas at New York.

"Okay ka lang?" Tanong ni Ate Bel.

Tumango lang ako at tuluyan nang pumikit.

-------------------------------------------

Nagising ako sa harapan ng babaeng kamukhang kamukha ko. Nakapikit ang kanyang mga mata. May nakapaikot na kadena sa kanyang mga kamay, paa at leeg. Pinagmasdan ko siyang maigi; hindi naman nakatali o nakakandado ang mga kadena pero bakit hindi siya makawala?

Unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata. Bahagyang sumilay ang kanyang mga ngiti nang makita niyang nakatayo ako sa kanyang harapan.

"I have been waiting for you!" Pabulong at nanghihina niyang sabi.

Lumapit ako sa kanya at hinaplos ang namumutla niyang pisngi. Nahawakan ko siya pero hindi ko mahawakan ang kadena.

"Listen, help me! Find me! Find Ate Bel, she knows everything! You and me, we are the same. You are my split and I am your's. I know you can feel me. We saw each other inside a dream before! Remember everything when you wake up. I am in California inside an old church, find Meridith!" Tuloy-tuloy niyang paki-usap habang sumisinghap ng hangin.

Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi sabay dikit ng aking noo sa kanyang noo.

"I can't understand." Nagugulumihanan kong bulong.

I AM NINA: Truth & LiesWhere stories live. Discover now