CHAPTER 14: Everything

1K 97 17
                                    

Nagbabalik na si Author! Salamat sa paghihintay! Namiss ko kayong lahat! 😊😍😘

 ---------Enjoy Reading--------

Reyden

Kabadong-kabado ako nang bumagsak si Nina sa sahig! Nakakapanghina ang mga hinagpis at sigaw na kanyang pinapakawalan. Anong nangyayari sa kanya?

"Let's bring her to the hospital!" Nagpapanic kong sabi.

"No! That won't help!" Namumutlang sagot ni Ethan.

"Then what!" Halos pabulyaw kong tanong.

"Just let her rest! This happened before, she's not sick. The pain will stop eventually!" Sagot niya.

Nanlalaki ang mga mata kong nakatitig kay Ethan. Alam niya kung bakit ito nangyayari!

Binuhat ko si Nina at ipinasok siya sa guess room. Inilapag ko siya sa kama. Wala kaming nagawa kundi ang pagmasdan siyang nahihirapan at namamaluktot sa sakit hanggang sa tuluyan siyang makatulog.

Ang bigat sa pakiramdam na makita siyang nasasaktan dahil sa dahilang hindi ko malaman.

Sabay kami ni Ethan na lumabas ng kwarto nang matiyak na mahimbing nang natutulog si Nina.

Pagkasarang-pagkasara ko ng pinto ay agad kong binalingan si Ethan sabay pakawala ng malakas na suntok na tumama sa kanyang pisngi.

Nabuwal siya sa sahig at matagal na nanatiling nakasalampak dahil sa pagkahilo.

"I've been wanting to do that the moment you arrived, Ethan!" Gigil kong sabi.

Hindi siya umimik. Nanatili siya sa pagkakaupo sabay pahid ng dugo mula sa kanyang labi.

Nilapitan ko siya at hinablot ang kanyang kwelyo. Inangat ko siya patayo at itinulak hanggang sa bumangga ang likod niya sa pader.

"I can't believe you really lied to me!" Himutok ko.

Napayuko siya.

"Listen Reyden, I told Nina many times before to tell you the truth!" Pagdadahilan niya sa gitna ng kanyang paghingal.

Padabog ko siyang binitiwan. Malakas akong napabuntong hininga. Sinubukan kong kalmahin ang aking sarili pero nanggagalaiti talaga ako sa inis!

"Hindi ka pa rin nagbabago, ang lakas mo pa ring sumuntok!" Sabi niya sabay ngisi.

Inis ko siyang tinitigan. "Why didn't you tell me? Why did you lie?"

"I didn't lie about Nina, I just kept her secret away from you dahil iyon ang gusto niya; magkaiba iyon, Reyden!" Depensa niya.

"Kahit na! You should have told me everything dahil kaibigan kita!" Giit ko.

"Damn it Reyden, we tried to tell you, but she found out na tinapon mo ang kwintas!" Ganti niya.

Napakunot ang noo ko. Naalala kong bigla ang kwintas na tinapon ko sa basurahan. Naalala ko ang itsura ni Mia nang asarin ko siya na tinapon ko ang kwintas dahil ayoko nang maalala ang nagmamay-ari nito.

Shit! That was Nina!

"Guilty?" Nakangising pang-aasar ni Ethan.

Napabuntong hininga ako. Bigla akong nakonsensya. "Did she tell you about that?"

"She told me everything!" Sagot niya.

"That's the reason why she didn't tell me?" Paniniyak ko.

Napangisi siya. "Of course not, marami pang iba! She heard you saying how much you love Celine. After that Tito Karding passed away and then you found out na anak ka ni Tito Art! Hindi na niya sinabi sa'yo ang totoo para hindi na siya dumagdag pa sa lahat ng problema mo. Do you get what I'm saying?" Tuloy-tuloy niyang litanya.

I AM NINA: Truth & Liesحيث تعيش القصص. اكتشف الآن