CHAPTER 59: Outburst

954 88 42
                                    

Ethan

Lalong uminit ang ulo ko sa maangas na asta ng aking kakambal. Ano bang problema ng mga tao ngayon! Malakas kong pinalis ang kanyang kamay palayo sa akin.

"What the fuck is this!" Hindi makapaniwalang tanong ng babae na kanina pa ako tinatarayan.

Napatingin kaming dalawa ni Nathan sa kanya. Nakita ko ang malapad na ngisi sa mukha ni Nathan habang mariing pinapasadahan nang malagkit na tingin ang babae.

"Do you really think you can get away from me, Lady!" Madilim ang awrang sabi ni Nathan.

Ano na namang kalokohan ang pinaggagagawa niya!

"You're twins?" Halos lumuwa ang mga mata ng babae sa gulat.

Napahimas ako sa aking mukha at nakukunsuming dumistansya sa kanilang dalawa. "I don't know what happened between the two of you, but please spare me from this mess!" Gigil kong sabi sabay talikod.

Nagmamadali kong tinahak ang hallway kung saan huli kong nakitang dumaan si Ate Bel.

Iginala ko ang aking paningin pero hindi ko siya nakita. Nasaan na naman siya? Patuloy akong naglakad. Humihingal akong tumigil sa labas ng function hall. Hindi ko siya makita!

Malakas akong napabuga ng hangin. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinilot ang pumipintig kong sintido. I'm so stressed sa lahat ng mga nangyayari.

"Ehtan?" Takang tawag ng boses ng isang lalaki.

Sino na naman ito!

Idinilat ko ang aking mga mata at humarap sa lalaking tumawag sa akin. Nagsalubong ang kilay ko nang makita ang isang matangkad na amerikanong lalaki. Nakasuot siya ng tuxedo habang may hawak na wine glass sa kanyang kamay. Sino na nga ba siya?

"Dave." Siya na ang nagsabi ng kanyang pangalan.

"Oh, yeah! Dave!" Aligaga kong sagot sabay lahad ng aking kamay para makipag-shakehands. Naalala ko na; siya ang boyfriend ni Jane na may-ari ng supermarket sa California.

"Good to see you again for the third time!" Masaya niyang bungad.

Third time? Paanong naging third time? Hindi ako umimik.

"How's Bel? We really miss her!" Tanong niya.

Pilit akong ngumiti para hindi niya mahalatang problemado ako.

"She's fine! We're fine!" Pagsisinungaling ko.

Ngumiti siya. "Glad to hear that. Don't make her cry again." Sabi niya.

"Of course, I won't." Sagot ko kahit hindi ko lubos na maintindihan ang sinasabi niya.

"You said this is the third time we meet, should it be the second?" Hindi ko na natiis na hindi itanong.

Tumawa siya. "Yeah, second for you. I was actually with Bel and Jane the moment we saw you with another woman. Who was that woman anyway?" Curious niyang tanong.

Hindi ako nakaimik. Kailangan ko ba talagang magpaliwanag sa kanya?

"Never mind, I should not have asked that. I'm just happy that you and Bel are now together. Hell man; she really cried hard that night after getting drunk. But I really admire her guts when she kissed you in front of that woman." Ngingiti-ngiti niyang sabi.

Napakurap ng ilang beses ang aking mga mata. She kissed me!

Hindi ko na gaanong napansin kung paano nagpaalam si Dave dahil malalim kong iniisip ang sinabi niya.

Napakuyom ang kamao ko sabay lunok nang malalim. Umakyat ang sobrang selos sa utak ko dahil alam kong hindi ako ang hinalikan niya. Fuck! She's been acting strange all this time dahil ayaw niyang malaman kong hinalikan niya si Nathan; and that Nathan is taking advantage of the situation!

I AM NINA: Truth & LiesWhere stories live. Discover now