CHAPTER 5: Signature Punch

1.3K 114 25
                                    


Reyden

Nakasandal pa rin ako sa upuan ng kotse habang pinagmamasdan ang basong may sulat na pangalan ni Nina. Kanina pa ako nakarating sa parking lot ng condo pero hindi pa rin ako bumababa ng sasakyan. Kinuha ko ang cellphone sa aking bulsa at sinave ang cellphone number na iniwan ni Nina.

Hindi totoong nakalimutan ko lang itapon ang baso; sinadya ko talagang hindi ito itapon para makita ang pangalan niya. Nababaliw na talaga ako!

Napabuntong hininga ako. I was never attracted sa mga babae simula nang umalis si Mia sa condo. Ngayon lang ulit ako nagkaroon ng interes na makilala ang isang babae. Dahil ba kapangalan niya si Nina?

Ilang beses pa akong bumuntong-hininga bago ako tuluyang lumabas ng sasakyan. Hindi ko pa rin kinuha ang baso ng kape at hinayaan ko lang na nakapatong ito sa cup holder. Pagkakuha ko sa mga grocery bags ay sumakay na ako ng elevator at tumuloy sa condo.

Pagkatapos kong kumain, mag-ayos, at mag-shower ay sumalampak ako sa sofa at binuksan ang TV. Hinawakan ko ang aking cellphone at hinanap ang number ni Nina.

Tatawagan ko ba siya o hindi? Napatingin ako sa wall clock, mag-aalas dose na ng gabi.

Hindi ko tinuloy na pindutin ang call button. Baka tulog na siya. Napatingala ako at napatitig sa kisame. Ang daming nangyari sa loob ng ilang oras! Naalala kong bigla ang kanyang mga ngiti. Napangiti ako ng sumagi sa isip ko nang tawagin niya akong mahal ko.

Bigla kong inisip kung ano ang gagawin ko bukas. Sabado naman at hindi ko kailangang pumunta sa site. Magjo-jogging muna ako ng mga alas sais tapos ay babalik ako rito. Pwede ko siguro siyang yayaing magkape pagkatapos.

Muli kong binuksan ang aking cellphone at pinindot ang number ni Nina. Siya naman ang nagsabi na tawagan ko siya kaya hindi naman siguro masama kung yayayain ko siyang lumabas. Hindi naman ito date; babayaran ko lang ang kapeng kinuha ko sa kanya.

Ilang beses kong paulit-ulit na sinasabi sa isip ko na hindi ito date pero bakit ako kinakabahan. Ano bang nangyayari sa akin?

Nakatatlong ring ang kabilang linya bago niya sinagot. Hindi ako kaagad nakapagsalita na parang may bumara sa aking lalamunan.

"Reyden?" Tanong niya. Napakagandang pakinggan ng kanyang boses.

Napakunot ang noo ko. Paano niya nalaman ang pangalan ko?

"Yeah." Kinakabahan kong sagot.

"Sabi na nga ba tatawag ka, na-miss mo ko agad noh? Kelan ang date natin?" Walang preno niyang sabi.

Hindi ko malaman kung seryoso siya o nang-aasar lang. Napakagat labi ako sabay ngiti. Bakit ako kinikilig?

-----------------------------------

Kinabukasan.

Maaga akong nagising at nagpalit ng damit. Suot ko ang isang gray na hoodie at gray na jogging pants. Nag-toothbrush at naghilamos lang ako bago ako tuluyang lumabas ng condo at dumiretso sa park para mag-jogging.

Habang paikot-ikot ako sa park ay iniisip ko kung ano ang isusuot ko mamaya. Napag-usapan namin ni Nina na magkikita kami sa coffee shop bandang alas nuwebe ng umaga.

Excited ako na kinakabahan. Ano bang sasabihin ko sa kanya mamaya? Anong pag-uusapan namin? Bakit ba ako naco-conscious? Hindi date ang mangyayari mamaya pero tinawag niya iyong date. Ano ba, bakit ko nililito ang aking sarili?

Kasalanan ito ni Mia at sa papel na ibinigay niya noon. Hindi ako naniniwala sa hula pero nang huli kong tingnan ang maliit na papel na tinago ko sa aking lumang wallet ay nagkatotoo na ang 4 sa anim na pangyayaring nakasulat.

I AM NINA: Truth & LiesWhere stories live. Discover now