CHAPTER 4: PRETEND

1.2K 113 30
                                    

Reyden

Nang makita kong pumasok siya sa isang eskinita ay kumaliwa ako sa isang makipot na daan na alam kong lalabas din sa parehong lugar na lalabasan niya.

Ano bang problema niya at parang takot na takot siya sa akin? Mukha ba akong gangster na hindi gagawa ng maganda?

Nang makarating ako sa dulo ay agad akong tumungo sa eskinita. Napangiti akong napangisi nang makita ko ang babaeng nakatalikod na halos humaba na ang leeg kasisipat kung nakasunod pa ako sa kanya.

Malas niya na lang, mas matalino ako sa kanya.

Walang ingay akong lumapit hanggang sa isang dipa na lang ang layo ko sa kanya.

"Done running?" Seryoso kong tanong.

Muntik na akong matawa nang mapatalon at mapasigaw siya sa gulat nang mapagtantong nasa likuran niya ako.

Nanlalaki ang mga mata niyang napatitig sa akin. Umatras siya. Hindi ko na hinayaang makatakbo pa siyang muli. Hinawakan ko siya sa magkabilang siko at hinila palapit sa akin.

"Why are following me?" Mariiin kong tanong sa kanya.

Alam kong siya ang babaeng nakita ko sa grocery at sa parking area sa mall dahil sa pink niyang hoodie na may tatak na NY sa harapan. Siya rin ang babaeng nasa loob ng club na nagsabing nagmumukha akong manyak.

Nagkataon lang ba o talagang sinusundan niya ako?

"Tsssk, baka ikaw ang kanina pang sunod nang sunod sa akin. Sulpot ka nang sulpot kung nasaan ako!" Pataray niyang sagot sa tanong ko.

Really, babaligtarin niya pa talaga ang sitwasyon?

"Are you kidding me?" Nakakunot ang noo kong tanong sa kanya.

"No!" Diretso at simple niyang sagot.

Parang may dumaang anghel at natahimik kaming dalawa habang nagtititigan.

"Let go!" Basag niya sa katahimikan.

"No, sagutin mo muna kung bakit mo ako sinusundan!" Pagmamatigas ko.

Ngumisi siya. Pwersahan niyang itinaas ang kanyang mga kamay sabay ikot nito para makawala. Sinugod niya ako at aktong tutuhurin niya ang aking pagkalalaki pero mabilis kong nahawakan ang kaniyang hita. Marunong siya ng konting self-defense pero hindi uubra ang galaw niya sa akin.

Hinablot ko ang kanyang kanang kamay at inikot siya patalikod sa akin. Bahagya kong itinulak ang kanyang likod at papilipit na inilagay ang kanyang kamay sa kanyang likuran. Diniinan at hinila ko ang kanyang braso hanggang marinig ko ang kanyang pag-ungol dahil sa sakit.

"Stop! Stop!" Nagmamakaawa niyang sabi sabay hawak sa balikat niyang nakapilipit.

Ipinulupot ko ang isa ko pang braso sa kanyang baywang at idinikit ko ang aking bibig sa kanyang tainga.

"Tell me, bakit mo ako sinusundan!" Utos ko sa kanya sabay hilang muli sa kanyang nakapilipit na braso.

"Ooouuucchhh, sinabi ko nang hindi kita sinusundan!" Nahihirapan niyang sagot.

Ang tigas din ng ulo ng babaeng ito. Huling-huli na, nagdadahilan pa!

Muli kong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya. Maluha-luha na siya sa sakit pero hindi pa rin siya sumasagot.

Naramdaman ko ang pagsandig ng likurang bahagi ng kanyang ulo sa aking dibdib. Hanggang sa collarbone ko lang umabot ang kanyang height.

Humihingal siyang bumulong. "You're not as gentle as I thought you would be."

I AM NINA: Truth & LiesWhere stories live. Discover now