CHAPTER 35: Berserk

1K 88 25
                                    

Nina

Napalabi si Meridith sabay iling. "Uh-ah, get it, if you can!" Hamon niya kay Ate Bel.

Hinawakan ko ang braso ni Ate Bel. Nagkatinginan kaming dalawa. Seryosong-seryoso ang mga mata ni Ate Bel na parang may kung ano siyang binabalak na gawin.

Hindi ko na siya napigilan nang tumakbo siya palapit kay Meridith. Sinugod niya ito at nagpakawala ng isang malakas na suntok na tumama sa pisngi ni Meridith. Nabuwal si Meridith.

Tumawa siya pagkabulagta niya sa sahig. Baliw talaga ang babaeng ito!

"I won't do that if I were you!" Pagbabanta ni Meridith.

Isinuksok ni Meridith ang isa niyang kamay sa bulsa ng kanyang jacket sabay labas ng isang manika. NO! Inilapit niya ang manika sa kanyang bibig sabay kagat sa braso nito.

Napahawak ako sa aking braso sabay sigaw. Ang sakit! Shit! Ang manikang iyon ang parati niyang ginagamit para pahirapan ako nitong mga nakaraang araw.

Napatingin sa akin si Ate Bel. "Nina.." Hindi niya makapaniwalang usal.

"Ate Bel, just get the antidote. Don't worry, kahit gaano kasakit- hindi ako mamamatay!" Hinihingal at nahihirapan kong sabi.

Napaluhod ako nang maramdaman ang gumuguhit na sakit sa aking mga hita na sunod na kinagat ni Meridith. Bwisit talaga ang babaeng iyan na may lahing aso!

Sinunod ni Ate Bel ang sinabi ko at muling sinugod si Meridith. Ibinuwal niya ito sa sahig at pinagsasasampal. Inagaw niya ang manika at itinapon palayo kay Meridith.

Humihingal akong napakapit sa lumang bench na nasa aking tabi para muling makatayo. Nang muli akong mapatingin sa dalawang nagbubugbugan ay sobra akong nagulat nang tumilapon si Ate Bel at tumama ang kanyang likuran sa matigas na pader. Anong nangyari?

Nakamulagat at Nakanganga ako nang lumagapak ang katawan ni Ate Bel sa maruming sahig. Nanginginig ang mga tuhod kong tumakbo palapit sa kanya.

"Ate Bel!" Alalang-alala kong tawag sabay yugyog sa kanyang balikat.

Nawalan siya ng malay!

Nakita kong nakatayo na si Meridith habang pinapagpag ang kanyang narumihang damit. Lalo akong nahintakutan nang makita ko ang madilim at nanlilisik niyang mga mata na mas naging berde pa kaysa kanina. Bakit parang hindi man lang siya nasaktan? Bakit parang hindi man lang siya nagalusan?

"She fainted? Guess I made a mistake again!" Rinig kong sabi niya kahit pabulong niya lang iyong sinabi.

Tumayo ako at hinarap siya. "What do you really want? Why are you doing this!" Takang-taka kong tanong habang papalapit ako sa kanya.

Ngumisi siya. "I really don't care about you! I don't care if you die or not! You're just a pawn in a game of chess. Let me tell you this, I didn't intend to kill your other half; she chose to die!" Mariin niyang sabi habang titig na titig sa akin.

Anong ibig niyang sabihin? Ano ba talaga ang pakay niya!

"Fine, just give me that bottle then!" Seryoso kong sabi. Kung wala talaga siyang balak patayin ako at kung wala talaga siyang pakialam sa akin, dapat ay ibigay niya ang gamot!

Ipinakita niyang muli ang maliit na tube sabay tawa. "There's no such thing as an antidote!" Sabi niya sabay bitaw sa bote.

Napamulagat ako sabay takbo para saluhin ang bote pero huli na ang lahat dahil bumagsak na ito sa simento at nabasag!

"No!" Desperado kong sigaw sabay luhod sa harapan ng nagkalat na asul na likido.

Hindi ako makapaniwang titig na titig sa nabasag na bote. Aabutin ko na sana ang nalalabing parte nito nagbabakasakaling pwede pa itong maisalba nang makaramdam ako ng umuugong na hangin sa paligid.

I AM NINA: Truth & LiesWhere stories live. Discover now