Chapter 20: Shut Up! Nothing Happened

1.1K 111 46
                                    

Ate Bel

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Bumungad sa akin ang maliwanag na ilaw na galing sa kisame. Hinarang ko ang aking kamay para hindi ako masilaw. Naaninag ko ang kabuuan ng kwarto. Nasaan ako?

Unti-unti akong bumangon. Nakita ko si Nina na mahimbing na natutulog sa aking tabi. Napahawak ako sa aking sintido. Anong nangyari? Huling ala-ala ko ay nang humiga ako sa tabi niya at uminom ng sleeping pills. Mukhang hindi nag-work ang plano kong makita siya sa panaginip. First time itong nangyari!

Hinawi ko ang kumot. Napangiti ako nang makitang unti-unting bumabalik sa dati ang awra ng kaluluwa ni Nina. Ibang-iba ang enerhiyang bumabalot sa kanya kumpara nang makita ko siya kanina. Masaya akong makitang nag-rerecover ang kanyang katawan.

Kinumutan ko siyang muli at marahan akong bumaba sa kama. Paano kaming nalipat sa kwarto ni Reyden? Nakita ko ang aking tsinelas na maayos na nakalapag sa sahig. Napatingin ako sa bintana. Madilim na. Ilang oras ba akong nakatulog?

Bukas ang pinto ng kwarto kaya tuloy-tuloy lang akong naglakad palabas. Nadatnan kong kumakain ng pizza sa dining area sila Reyden at Ethan. Nakita ko ring alas syete na ng gabi nang mapasadahan ng mata ko ang nakasabit na wallclock sa pader.

"Ate Bel!" Masiglang tawag ni Reyden sa akin sabay taas ng hawak niyang pizza.

Nakakunot ang noo kong lumapit sa kanila at umupo sa bakanteng silya sa tabi ni Ethan. Ayokong umupo sa tabi niya pero umupo pa rin ako.

"Anong nangyari?" Nagtataka kong tanong.

"Noth-" Sagot ni Ethan na agad kong pinutol.

"I'm not talking to you; I'm talking to Reyden!" Pambabara ko sa kanya.

"Okay." Mahina niyang bulong sabay subo ng pizza sa kaniyang bibig.

"You just slept. That's it." Sagot ni Reyden.

"Really?" Hindi ako makapaniwalang nakatulog lang talaga ako.

Tumango si Reyden.

Napataas ang labi ko. "So, how can we find Nina?" Nanlulumo kong sabi.

"Reyden saw Nina!" Sabat ni Ethan.

Napakunot ang noo ko. "What do you mean?" Pataray kong tanong.

"Sorry Ate Bel, natulog din ako while holding Nina's hand after you fell asleep." Paliwanag ni Reyden.

Lalo akong naguluhan. "Nakita mo si Nina sa panaginip?"

"Yeah. She told me where she is." Sagot niya.

Napalunok ako. "How come I didn't see her? I cannot even remember anything. This is so weird!" Naibulalas ko. Bakit ganon? Bakit si Reyden nakita niya si Nina?

"Calm down, Ate Bel. Sometimes things do not work out the way we wanted it to be." Pampalubag loob niya.

Napabuntong-hininga ako. "I feel so useless." Pamaktol kong sabi.

"That's not true. You were the one who gave us that idea. If It's not for you, blangko pa rin tayo hanggang ngayon." Dagdag pampalakas loob ni Reyden.

Muli akong malakas na bumuntong-hininga. "Where is she then?" Tanong ko.

"She said she's in California, old church, find Meridith." Sagot ni Reyden.

"Meridith?" Ulit ko sa sinabi niya. Narinig ko na ang pangalang iyon pero hindi ko lang maalala.

"Do you know her?" Curious na tanong ni Reyden.

"Wait." Sagot ko sabay pikit ng aking mga mata. Pilit kong inalala kung saan at kailan ko narinig ang pangalang iyon. "I can't remember, but I know I heard that name in California." Dugtong ko.

I AM NINA: Truth & LiesWhere stories live. Discover now