CHAPTER 70: Fire

877 90 27
                                    

Reyden

Binuksan ko ang laptop at agad na nag-google map. Hinanap ko ang Pasig at pinalaki ang mapa nito. Alam kong may paraan para mahanap ang lokasyon ni Nina. Kailangan namin siyang mahanap agad! Paano kung may mangyaring hindi maganda habang nakakulong siya!

"Look for vacant spaces with a lot of bamboos and trees." Sabi ni Ethan na nasa tabi ko lamang.

"Are you feeling well already?" Tanong ko dahil bumangon na siya sa pagkakahiga.

"A little bit. Need to use your bathroom." Iyon lang at pumasok na siya sa guess room.

Naghanap akong maigi ng blue at green na building na magkatapat. Ang dami! I need to check one by one. Paano kung hindi naman pala magkatapat? Bigla kong naalala, wala nga palang sense of direction si Nina. Napakamot ako ng ulo.

Saan ko siya hahanapin!

----------------------------------------

Nina

"Hello! May tao ba riyan! May tao po rito sa loob! Tulungan niyo po ako!" Malakas kong sigaw.

Gumawa ako ng ingay at patuloy na sumigaw sa abot ng aking makakaya pero walang sumasagot sa labas. Pumatong ako sa papag at sumilip sa awang at may nakita nga akong taong umikot papunta sa likod.

"Tulungan niyo po ako!" Muli kong sigaw pero hindi man lang siya sumasagot.

Narinig ko ang tunog ng parang tubig na ibinubuhos sa mga halaman. Nagdidilig ba siya? Hindi niya ba ako naririnig; bingi ba siya?

Napansin ko ang pag-ikot ng anino sa paligid ng kubo habang may ibinubuhos pa rin itong tubig. May pumasok na tubig sa bandang pintuan na unti-unting gumapang malapit sa akin. Nang pagmasdan ko ito ay nagkukulay bahaghari ang tubig at iba ang amoy.

Napangiwi ako sa sobrang pagtataka. Gas! Napalinga-linga ako sa paligid. Anong gagawin ng taong nasa labas? Huwag niyang sabihing...

"May tao po rito sa loob!" Aligaga kong sigaw sabay sipa sa kawayang dingding. Patuloy kong sinipa ang dingding para umuga ito at mapansin ng tao. Kung bingi man siya; hindi naman siguro siya bulag!

Desperado akong nagpatuloy sa pagsigaw. Mangiyak-ngiyak na ako habang pinipilit na mapansin ng taong nasa labas. Lalo akong napaiyak nang maamoy ko ang usok mula sa nasusunog na tuyong halaman na pumapasok sa siwang ng kubo.

Hindi bingi o bulag ang taong nasa labas! Ang gusto niyang gawin ay ang patayin ako! Susunugin niya ako! Mabilis na kumalat ang usok at apoy sa paligid ng kubo! Tuloy-tuloy ang mga luhang pumapatak mula sa aking mga mata. Ayokong mamatay sa ganitong paraan!

"Hayop ka! Anong nagawa ko sa'yo para patayin mo ako! Walang hiya ka! Siguraduhin mo lang na hindi na ko mabubuhay dahil kapag nakaligtas ako rito, babalikan kita at sisiguraduhin kong magbabayad ka!" Desperado kong pagbabanta.

Wala akong narinig kundi ang nakakapang-insultong tawa mula sa labas, tawa ng isang lalaki! Pagkatapos niyang tumawa ay narinig ko ang mga yabag niya paalis. Susunugin niya talaga ako!

Shit! Napatakip ako sa aking ilong dahil napupuno na ng usok ang loob ng kubo. Napaatras ako nang lumiyab ang dingding na sinisipa ko kanina. Napatingin ako sa aking likuran na nagsisimula na ring lumiyab. Anong gagawin ko?

Umubo ako nang umubo. Umatras pa ako nang gumapang ang apoy sa dinaanan ng gas kanina. Nagtungo ako sa papag at sinubukang sipain ang matabang kawayan na pinagtalian ng kadena. Sa pagsipa ko ay nalaglag mula sa itaas ang umaapoy na mga pawid.

Shit! Napapikit ako sa sobrang hapdi na aking mga mata. Patuloy ako sa pag-ubo! Ang init! Ramdam na ramdam ko ang paghapdi ng aking balat, para akong nasa impyerno!

I AM NINA: Truth & LiesWhere stories live. Discover now