CHAPTER 57: Party

1K 82 27
                                    

Ate Bel

"Hindi ba talaga kayo sasama ni Reyden mamaya?" Kinakabahan kong tanong kay Nina habang nasa kwarto kami at inaayos ang damit na gagamitin ko mamaya sa party.

Umiling si Nina. "Reyden has another plan for us. Isa pa, hindi kami invited."

"Sama na lang kaya ako sa inyo ni Reyden!" Buong pag-aalinlangan kong pakiusap.

Tinitigan ako ni Nina sabay taas ng kanyang kilay. "Just say no kung ayaw mong pumunta." Sabi niya na halatang nakukulitan na sa akin.

"Pano pa ko tatanggi, binili na ni Nathan ang lahat ng ito!" Sabi ko sabay turo sa napakagandang gown at sapatos na maayos na nakalapag sa couch.

"Ate Bel, kaya mo 'yan. Sasamahan mo lang naman si Nathan. Isa pa, nasa party rin si Ethan at Jenny. Sigurado akong hindi ka pababayaan ni Ethan." Giit ni Nina.

Napabuntong-hininga ako. Bakit ba kasi ako napa-oo nang tanungin ako ni Nathan kung gusto kong maging partner niya sa party mamayang gabi! Kasalanan ito ni Ethan! Gusto ko siyang magselos kaya umoo agad ako kay Nathan habang nagsi-swimming kami kagabi!

Kainis. Bakit hindi na lang si Ethan ang naunang nagyaya sa akin? May kumatok sa pinto at bumukas ito. Naunang pumasok si Reyden at sumunod si Ethan.

"Hi!" Agad na bati ni Reyden sabay lapit kay Nina.

Walang kibong pumasok si Ethan; ni hindi man lang niya ako sinulyapan.

"Nice gown, Ate Bel. You'll look gorgeous on that!" Komento ni Reyden nang makita niya ang damit na nakalapag sa couch.

Ngumiti lang ako. "Saan kayo pupunta mamaya?" Pasimple kong tanong kay Reyden para maiba ang usapan.

"We'll just tour around. Bukas na kami babalik." Sagot ni Reyden.

Malungkot akong napangiti. Mag-eenjoy sila habang ako iiwan nila ditong mag-isa kung saan kasama ko si Ethan at Nathan. Nananadya ba talaga sila!

"I'll go ahead. Need to prepare for the party later." Seryoso ang mukhang sabi ni Ethan.

"Look after Ate Bel." Bilin ni Nina.

Tinapunan ako ni Ethan nang malalim na tingin. "Nathan will take good care of her." Walang pakialam niyang sagot sabay lakad palayo.

Napalunok ako nang malalim. Anong problema niya! Nangilid ang luha sa aking mga mata. Wala ba talaga siyang pakialam na may kasama akong iba? Wala ba talaga siyang pagtingin sa akin?

Pumasok ako sa banyo. Ibinaba ko ang takip ng toilet bowl at doon ako umupo habang pinapahid ang mga luhang hindi ko na mapigilan sa pagpatak.

Bakit hinahayaan niyang mapalapit ako kay Nathan?

-----------------------------------------------------------------

Ethan.

Pabalibag kong inihagis ang hawak kong amerikana sa kama. Fuck!

Nanggigigil ako sa inis! Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari ay hindi ko na sana sila dinala rito sa Canada! Simula nang magkakilala si Ate Bel at Nathan ay hindi na sila tumigil katititig sa isa't-isa!

Shit! Sa harapan ko pa talaga sila naglalandian!

Umupo ako sa gilid ng kama sabay sapo sa aking ulo. Kunsumidong-kunsumido kong ginulo ang aking buhok. Bakit siya pumayag maging date ni Nathan? Bakit hindi niya ako hinintay na yayain siya sa party? Bakit hindi na lang ako!

Wala na lang ba talaga lahat ng pinagsamahan namin noon? Kapatid lang ba talaga ako para sa kanya? Pumatak ang butil ng luha sa aking kandungan. Nasasaktan ako! Nagseselos ako! Bwisit talaga! Ayoko ng ganitong pakiramdam; para akong namamatay!

I AM NINA: Truth & LiesDär berättelser lever. Upptäck nu