CHAPTER 58: Feelings

936 82 16
                                    

Ate Bel

Pagkababang-pagkababa ko sa sasakyan ay agad kong nilibot ang aking paningin sa paligid.

"He's not yet here." Bulong ni Nathan sa aking tenga.

Ikinawit ko ang aking kamay sa kanyang braso at sabay kaming umakyat sa ilang baytang na hagdan na nalalatagan ng red carpet.

Gumapang ang kaba sa dibdib ko nang bumukas ang pinto nang napakagarang hotel at tumambad sa aking mga mata ang naggagandahang suot ng mga kababaihang dadalo rin siguro sa party.

Napahigpit ang kapit ko kay Nathan na parang gusto kong sabihing umuwi na lang kami. Mukhang napasubo ako sa pagpunta rito- halatang mayaman at elegante ang mga taong naglalakad sa malawak at nakakalulang hallway.

Naramdaman ko ang pagpatong ng kamay ni Nathan sa kamay kong nakakapit sa kanya. Puno nang pag-aalinlangan na napatingin ako sa kanya. Ngumiti siya. Inilapit niya ang kanyang bibig sa aking tenga at pinihit ako pakanan.

"See that lady wearing a red gown?" Pasimple niyang tanong.

Sumulyap ako sa magandang babaeng tinutukoy niya at agad na iniwas ang aking mga mata.

"She's actually a bitch; hopping from one rich man to another." Muli niyang bulong.

Napataas ang kilay ko. Di nga? Ang ganda naman niya para maging bitch!

"And see that woman on green?" Muli niyang tanong.

Tumango ako.

"She's the 6th wife of a billionaire!" Bulong niya.

Napalunok ako. Nakita kong may lumapit na matandang lalaki sa babaeng naka-green na sinabi ni Nathan. Napangiwi ako nang maghalikan silang dalawa.

"See!" Nakangiting sabi ni Nathan.

Napangiti ako sabay paimpit na natawa.

"Don't feel insecure. You're much worthy than a lot of women inside this hall. Don't let the glimmer deceive your eyes." Makahulugan niyang sabi bago niya ako inalalayang muli sa paglalakad.

Pumasok kami sa main function area. Napakaganda ng paligid na napapalibitan ng mga crystal chandelier at nagliliwanag na mga asul na ilaw na parang mga bituin sa kalangitan.

Ganito ba talaga mag-party ang mayayaman? Ang ganda at ang bongga!

Magkatabi kaming umupo ni Nathan sa isang bilog na mesa na may mamahaling centerpiece na hugis swan with cystal flowers. Magkano kaya ang nagastos nila sa centerpiece lang na iyan?

Lumapit ang isang waiter at nagpatong ng mga inumin sa aming mesa. Anong klaseng alak ba ang nasa harap ko? Iginala kong muli ang aking mga mata. Nasaan si Ethan?

-------------------------------------

Ethan

Wala ako sa mood na naglakad papasok sa hotel. Hindi ko pinansin ang mga taong nakasalubong ko sa hallway. Dire-diretso akong pumasok sa main hall at hinanap si Ate Bel. Kahit maraming naggagandahang mga babae na nakasuot nang mamahaling mga damit ay agad kong nakita si Ate Bel na nakaupo sa isang mesa at katabi si Nathan.

Bago ako makarating sa kanilang kinaroroonan ay may lumapit na isang matangkad at medyo may edad na lalaki kay Nathan. Mukhang hindi isang aristocrat ang lalaking iyon. Base sa suot nito ay isa siyang butler. Kinausap niya si Nathan at makaraan ang ilang segundo ay tumayo si Nathan at iniwang mag-isa si Ate Bel.

Napangisi ako. Bakit niya iniwan si Ate Bel?

Hinila ko ang upuan sa tabi ni Ate Bel at umupo. Napatingin si Ate Bel sa akin na para siyang nagulat sa aking pagdating.

I AM NINA: Truth & LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon