CHAPTER 27: He's Also Real

1K 104 37
                                    

Nina

Hindi ko akalaing ganito siya kagaling!

Humihingal akong pumorma at hinintay ang sunod niyang pag-atake. Nang makita ko ang suntok niya ay bahagya akong yumuko. Inihanda ko ang aking paa para bumalanse sabay hugot ng pwersa pailalim. Sinunod ko ang itinurong uppercut ni Reyden.

"Yes!" Sigaw ko nang matamaan si Ate Bel sa baba.

Napaatras siya sabay hawak sa kanyang baba. Narinig ko na naman ang mapang-asar na kantyaw ni Ethan at Reyden.

Naningkit ang mga mata ni Ate Bel. Hindi ko pa lubos na nananamnam ang pagtama ng suntok ko sa kanya ay bumawi siya agad at malakas akong sinuntok sa panga. Hindi pa siya nakontento at pinatid niya ako mula sa likod sabay tapon sa akin pahiga sa mat. Kinuha niya ang aking braso sabay lock dito.

"Ahhhh!" Sigaw ko nang pilipitin niya ito. Akala ko ba suntukan lang, bakit may wrestling na kasama?

Iginalaw ko ang isa kong kamay sabay tap sa mat. Suko na ko!

"Stop, stop! I'm sorry Ate Bel! Sorry na!" Sigaw ko.

"Sorry for what?" Ganting sigaw ni Ate Bel na hindi pa rin binibitawan ang kamay ko.

"For doubting you!" Agad kong sagot.

Naramdaman ko ang kanyang pagbitiw. Marahan akong umupo sa mat at humihingal na tumingin kay Ate bel na nakatayo sa aking harapan. "That's for calling me a liar!" Nakangiti niyang sabi.

Napangiti ako. "I'll win next time!" Sabi ko.

Tumawa lang siya.

"Nina, next player!" Tawag ni Ethan na para bang nasa video game kami. Pumasok siya sa ring at tinapik ang aking palad. "My turn!" Ngingiti-ngiti niyang sabi sabay pakita ng suot niyang gloves.

Lumabas ako ng ring at tumungo sa corner kung saan nakatayo si Reyden. Paglapit ko ay agad niyang tinanggal ang suot kong head guard.

"Tsk, tsk, totally crashed!" Nakangiwi niyang sabi sabay hipo sa labi kong medyo nabiyak.

"I need something cold." Sabi ko. Pakiramdam ko mamamaga ang labi ko.

"Here." Sabi ni Reyden sabay lapat ng labi niya sa labi kong may sugat.

Napalunok ako sabay titig sa kanya. "I said something cold not hot!" Nauutal kong sabi.

"Saan pa ang masakit?" Pilyo niyang tanong na hindi man lang pinansin ang sinabi ko.

Tinuro ko ang kabilang side ng aking labi. Dinampian niya rin ito ng halik.

"Saan pa?" Nakangiti niyang tanong.

Kinikilig akong napakagat sa aking labi. Tinuro ko ang aking leeg.

Paimpit siyang natawa sabay halik sa parteng itinuro ko. Sunod kong tinuro ang kabilang gilid ng aking leeg. Natawa siya nang tuluyan.

"Masyado na tayong PDA." Pang-aasar niya.

"Wala namang tao." Reklamo kong biro.

Muli siyang natawa. Hinalikan niya ang leeg ko sabay yakap sa akin.

"Okay ka na?" Tanong niya.

Tumango ako. "Forget what I said this morning; I really like it kapag nagsusuot ka ng hapit na shirt."

Tawa lang ang sinagot niya.

Umupo kami sa bench at hinintay na matapos si Ate Bel at Ethan. Mukhang nag-eenjoy ng husto si Ethan na makipag-sparring kay Ate Bel. Nakikipag-sparring ba siya o nananantsing lang?

I AM NINA: Truth & LiesWhere stories live. Discover now