CHAPTER 22: Little Brother

1.1K 116 42
                                    

Ethan

"I'm sorry, hindi ako nakabalik agad." Bungad ko.

"Never akong umasang babalik ka kaagad." Sagot niya. Medyo humapa ang kanyang emosyon.

Napalunok ako sabay basa ng laway sa nanunuyo kong mga labi. Nagsisimula na akong kabahan.

"Ate Bel, maniwala ka man o hindi, I really tried so hard para makabalik agad. Nagkaroon lang talaga ako ng maraming problema." Nag-aalangan kong paliwanag.

Marahan siyang tumango-tango.

"Meron ka pa bang gustong ihingi ng tawad?" Tanong niya na pakiwari ko ay may malalim na pinanggagalingan.

Napansin ko na may namumuong luha sa gilid ng kanyang mga mata.

Umiling ako. "I'm so sorry for not coming back as promised." Buong sinseridad kong sagot.

Nagsalubong ang kilay ko nang makitang tumulo ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Agad niyang inalis ang suot niyang salamin at mabilis na pinahid ang mga luha.

"Ate Bel..." Usal ko. Pakiramdam ko may dumagang bato sa dibdib ko. Ayoko siyang nakikitang umiiyak.

"May girlfriend ka na ba?" Humihikbi niyang tanong.

"Wala..." Sagot ko.

"May naging girlfriend ka ba sa Canada?" Sunod niyang tanong.

"Wala..." Sagot ko sabay iling.

"Okay, how about flings or anything na pwedeng matawag na pakikipaglandian sa ibang babae?" Tanong niya na parang isa itong interrogation.

Napakunot ang noo ko. Bakit niya ako tinatanong ng ganito?

"Wala, I don't even have time for those things!" Sagot ko.

Tumango-tango siya. "Okay."

"What do you mean by okay?" Naguguluhan kong tanong.

"Okay you're forgiven." Sagot niya.

Napaawang ang bibig ko sa sobrang pagtataka. Hindi ko siya maintindihan, kanina lang galit na galit siya tapos ngayon sasabihin niyang okay na!

"Sorry, I slapped you yesterday. Na-miss lang siguro kita, na-miss ko lang ang pagkakaibigan natin." Malumanay at nakangiti niyang sabi sabay pahid sa natitirang luha sa kanyang pisngi.

"Hindi mo na ko aawayin?" Nagdududa kong tanong.

Tumango siya. Lumapit siya sa akin sabay yakap. Tinapik niya ng ilang beses ang likod ko.

"Welcome back little brother!" Sabi niya bago niya ako binitawan.

Hindi ako nakakibo sa kanyang tinuran. Tama ba ang narinig ko?

Nakita kong ngumiti siya. Ginulo niya ang buhok ko sabay tawa. "Magsha-shower lang ako." Paalam niya.

Iniwan niya akong nakatayong parang estatwa. Nagtama ang mga ngipin ko sa sobrang pagkagigil. She called me little brother! What the hell is wrong with her?

--------------------------------

Ate Bel

Pagkapasok na pagkapasok ko sa banyo ay agad kong ibinaba sa lababo ang suot kong salamin. Isa-isa kong tinanggal ang suot kong damit sabay hagis nito sa katabing washing machine. Tumapat ako sa shower. Nanginginig ang kamay kong binuksan ang pihitan.

Kasabay ng pagpatak ng tubig ay ang pagpatak ng aking mga luha sa sahig. Nakakainis talaga! Hindi ko mapigilan ang hinanakit na nararamdaman ko. Hindi ko matanggap sa sarili ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako naka-move on kay Ethan.

I AM NINA: Truth & LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon