Chapter 61: Memory

971 78 22
                                    


Ate Bel

"What happened?" Alalang-alala at hinihingal kong tanong kay Reyden pagkabukas na pagkabukas niya ng pintuan ng kwarto nila sa isang hotel.

Malalim ang mga mata ni Reyden na tulirong nakatingin sa akin. Gulo-gulo ang buhok niya at gusot ang kaniyang suot na t-shirt.

Agad kaming pumasok ni Ethan sa loob ng kwarto. Hindi ko nakita si Nina.

"She's inside the bathroom." Parang wala sa sariling sabi ni Reyden.

Inalis ko ang heels na suot ko at inihagis ang aking cluthbag sa mesa. Pinihit ko ang doorknob ng CR na hindi naman nakasara. Pagpasok ko ay nakatakip ang glass divider sa shower area kung saan naririnig ko ang paghikbi ni Nina.

Inilihis ko ang divider at nakita ko siyang nakalubog sa baththub na puno ng tubig at bula. Nakayuko siyang yakap yakap ang kanyang mga tuhod.

"Nina..." Usal ko sabay lapit sa kanya.

Unti-unti niyang inangat ang kanyang ulo. Nakita ko ang mugtong-mugto niyang mga mata.

"Ate Bel.." Nanghihina at nangangatal niyang usal.

Marahan kong hinipo ang malamig at basa niyang pisngi.

"Anong nangyari?" Buong pag-aalala kong tanong.

"Ate Bel... I.. I.. I was almost raped! Yung kapatid ni Berto..." Umiiyak at nanginginig niyang sumbong.

Napakunot ang noo ko. Anong sinasabi niya? Inalala kong maigi ang pangalang Berto. Sino na nga ba siya?

"Ate Bel....I can clearly remember! Yung nangyari sa akin sa apartment.. Natatakot ako... Natatakot ako.." Humihikbi at takot na takot niyang dugtong.

Naalala kong bigla si Mia. Napatitig ako sa lumong-lumong mukha ni Nina. Naaalala ko na! Ang tinutukoy niya ba ay ang araw na muntik na siyang magahasa at mapatay ng kapatid ni Berto?

"Nina, matagal nang nangyari 'yon." Marahan kong paliwanag sa kanya.

"I know, I know... But if feels like it happened yesterday..." Hikbi niya na parang mauubusan na siya ng hininga.

"Shhhh, shhhh..." Alo ko sa kanya sabay hagod sa kanyang walang saplot na likod.

Patuloy siya sa pagsinghap habang patuloy ako sa pag-alo sa kanya. Binuksan ko ang faucet at hinayaang dumaloy ang mainit na tubig para humalo sa malamig na tubig sa bathtub.

"Nina... calm down, okay. Huminga ka nang malalim. Walang mananakit sa'yo rito. Nasa labas si Reyden at Ethan, binabantayan tayo. Hindi makakapasok ang kahit sinong gustong magtangka sa buhay mo." Tuloy tuloy kong sabi nagbabakasakaling maibsan ang takot na kanyang nadarama.

Lumipas ang ilang minuto. Hinayaan ko muna siyang magbabad at lumabas ako ng CR. Problemadong-problemado si Reyden na nakaupo sa gilid ng kama.

"How is she?" Agad niyang tanong.

Napangiwi ako. "I never really imagined na nakalimutan niya talaga ang nangyari sa kanya noon." Pasakalye ko.

"What really happened?" Sobrang curious na tanong ni Ethan. Hindi nga pala niya alam ang bagay na iyon.

"Nina was almost raped noong nasa katawan siya ni Mia." Nanlulumo kong sagot.

"So you're talking about that incident, but that happened a long time ago! I thought she already moved on from that." Nagtatakang sabi ni Reyden.

Tumango ako. "Akala ko rin pero hindi pala. Nagtaka talaga ako noon kung bakit bigla na lang siyang naging okay. Akala ko pinipilit niya lang ang sarili niyang mag-move on. All along, kinalimutan niya pala na muntik na siyang ma-rape." Mahina kong paliwanag para hindi marinig ni Nina.

I AM NINA: Truth & LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon