CHAPTER 31: Deceived

1K 85 21
                                    

*Mag-uupdate na ako bago pa mawalan ng internet o ng kuryente dahil sa lakas ng hangin at ulan! Stay safe sa mga taga-Baguio

--------------------------------------

Nina

Tawa nang tawa si Ethan habang kinikwento namin ni Reyden ang nangyari kanina.

"Kung ikaw siguro 'yon, papatol ka agad!" Sarkastik na biro ni Ate Bel.

"Why not, I'm single!" Biro ni Ethan.

Napataas ang kilay ni Ate Bel na halatang nadismaya. Natawa ako sa reaksyon niya.

"What happened to Lee?" Curious na tanong ni Reyden.

"He left!" Agad na sagot ni Ethan.

Napangisi si Ate Bel. "Ethan had fun talking to him." Parang nagsusumbong niyang sabi.

"Oh come on, it was not fun talking to him! He's too boring!" Reklamo ni Ethan.

Napairap si Ate Bel.

"He's not the guy for you!" Diretsahang comment ni Ethan.

Napahawak si Ate Bel sa kanyang sintido. Hindi niya siguro malaman ang gagawin niya sa torpeng lalaking ang lakas mang-asar.

"After finding Nina, let's go back to our own lives. Hindi ako makakapag-asawa kapag parati kitang kasama. My god, I'm turning 30!" Nakukunsuming sabi ni Ate Bel sabay tayo.

"Magluluto muna ako." Paalam ni Ate Bel.

Sinundan lang siya ng tingin ni Ethan.

"Hindi ka pa kasi umamin." Bulong ni Reyden.

"How can I do that; she's treating me as her little brother!" Inis na bulong pabalik ni Ethan.

Natawa ako. "Ano naman ngayon?" Nang-aasar kong singit.

Pinanlakihan ako ni Ethan ng kanyang mga mata.

"Ikaw nga tinatawag mo siyang Ate, eh di patas lang!" Mahina kong sabi sabay ngiti nang nakakaloko.

Hindi siya nakaimik at napasandal na lang sa sofa.

Idinantay ko ang aking ulo sa balikat ni Reyden sabay buntong-hininga. Naalala kong muli si Emy at bumalik ang panggigigil na aking nadarama.

"Sa susunod na makita ko ang Emy na 'yon, naku kakalbuhin ko talaga siya!" Naibulalas ko.

"Enough. Don't stress yourself too much!" Sita ni Reyden.

"That girl is really weird, especially her eyes." Sabi ni Ethan.

"Isa pa yon, dudukutin ko ang berde niyang mga mata kapag nagkasalubong ulit kami!" Gigil kong sabi.

Agad na napatakbo si Ate Bel sa aming kinaroroonan. Napatingin kaming lahat sa kanya.

"Anong sabi mo?" Gulat niyang tanong sa akin.

"Sabi ko tutusukin ko ang mga mata niya!" Ulit ko.

"No, not that one. Yung berdeng mata!" Sabi niya.

"Yeah, berde ang kulay ng mata ng malanding babae na iyon!" Bitter kong sabi.

"Really? How often do you see people with green eyes?" Tanong niya.

"It's the rarest eye color, Ate Bel." Sagot ni Reyden.

"I know. Jane said Meridith has green eyes!" Sambit niya.

Napako ang tingin naming lahat kay Ate Bel. Napatayong bigla si Reyden.

"Is it possible that Emy and Meridith are one and the same?" Nagbabakasakaling tanong ni Reyden.

I AM NINA: Truth & LiesWhere stories live. Discover now