CHAPTER 72: The Ritual

974 92 32
                                    

Nina

"Tomorrow at around 8am will be the end of the seventh day. Kung totoo ang sinabi ni Chief, bibigay ang katawan mo bukas." Paalala ni Reyden.

Tumango ako. Tanggap ko na ang lahat ng sinabi nila. Mamamatay ang katawan ko kapag hindi ako nakabalik at ang tanging paraan na naisip nilang gawin ay ang gamitin ang kapangyarihan ni Ate Bel para ilipat ang kaluluwa ko pabalik sa aking katawan.

"Isn't this cheating?" Protesta ko. Hindi ako mapakali. Pakiramdam ko kailangan ko munang matapos ang misyon ko sa katawan ni Jodie bago ako makabalik.

"Is the mission already a cheat?" Balik na tanong sa akin ni Ethan. "Just think about it, tapos mo na ang misyon mo; hindi ba dapat ang guardian ang magpaliwanag kung bakit nangyayari ang lahat ng ito?"

Humugot ako ng hangin. Bakit parang hindi nila ako naiintindihan?

"Hindi ba pwedeng may sumapi na lang na ibang kaluluwa sa katawan ko?" Pagpupumilit ko pa rin.

"Nina, walang ibang sasapi sa katawan mo. Takot nga lahat ng multo sa'yo, di ba!" Mariing sagot ni Ate Bel na muli kong ikinatahimik.

Lumapit si Reyden sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Tinitigan niya ako nang itim na itim at seryoso niyang mga mata.

"Listen, Nina. We cannot let you die! We know we are being selfish right now, but this is the only way we can keep you alive. Please, intindihin mo naman kami! Hindi namin kayang mawala ka; hindi ko kaya!" Maluha-luha niyang sabi. Nahihirapan siya.

Nangilid ang luha sa aking mga mata. Tumagos sa puso ko ang sinabi niya. Bakit kailangan pati sila ay mahirapan ng dahil sa akin! Napapikit ako at tuluyang tumulo ang aking mga luha. Sa unang pagkakataon simula ng magising ako ay hinayaan kong umiyak ang aking sarili sa harapan nila.

Yumakap ako kay Reyden at umiyak sa kanyang dibdib. Nalulungkot ako sa lahat ng nangyayari!

---------------------------------

Reyden

Dark said that the ritual is more effective kapag sa gabi ginawa. We have a window of two hours para gawin ang ritwal bago mag-rounds ang nurse mamaya. We will be doing it at around 9 in the evening.

"I'm done!" Sabi ni Ethan pagkatapos niyang gumihit sa manila paper ng malaking bilog na may tatlong triangle sa loob.

"This one is the next." Utos sa kanya ni Ate Bel sabay pakita ng picture sa kanyang cellphone. Baligtad naman ang image ngayon. Isang malaking triangle na may tatlong bilog sa loob ang kanyang iginuguhit.

"What else do we need?" Tanong ko.

"We need to write these symbols." Sagot niya sabay pakita sa akin ng mga letrang hindi pamilyar.

"What are these for?" Curious kong tanong.

"Dark said it will prevent spirits from coming to us once we start the ritual." Sagot niya.

Napatango na lang ako at sumunod sa kanya kahit hindi ko naman talaga ma-absorb ang lahat ng ginagawa namin. Ano bang alam ko sa ganitong mga bagay? Napatingin ako kay Nina na mahimbing na natutulog. Napabuntong-hininga ako. Kahit ano gagawin ko, makabalik lang siya.

Gabi na. Pasado alas nuwebe. Katatapos ng nurse na i-check si Nina at si Jodie. Pagkalabas na pagkalabas niya ay agad na ini-lock ni Ethan ang pinto. Isinara ko ang mga bintana at itinakip ang mga kurtina. Isa-isa naming idinikit paikot sa silid ang mga simbolong isinulat namin sa coupon bond kanina.

Idinikit ni Ethan ang may guhit na manila paper sa sahig sa pagitan ng dalawang kama kung saan nakahiga si Nina at Jodie. Inilagay niya sa ilalim ng dalawang kama ang iba pang manila paper na ginuhitan niya kanina.

I AM NINA: Truth & LiesWhere stories live. Discover now