CHAPTER 9: Her Kiss

1.2K 112 14
                                    


Nina

Hindi ako makapaniwalang magkasama kami ngayong gabi ni Reyden. Totoo ba ito? Totoo bang na-in love siya sa akin sa loob lang ng sampung araw? Hindi kaya may iba lang siyang gustong makuha? Baka gusto niya lang makuha ang virginity ko!

Kinuskos ko ang buo kong katawan gamit ang sabong nasa kit. Kung may balak siyang gawing kakaiba mamayang gabi; mas maganda nang mabango ako.

Napangiti ako sabay paimpit na natawa. Kung anu-ano na naman ang tumatakbo sa isip ko; alam kong hindi ganoong klase ng lalaki si Reyden, masyado siyang gentleman para madaliin ang lahat ng bagay.

Pagkatapos kong magshower at magpalit ay inilagay ko na ang mga pinagbihisan ko sa bag. Tumungo na ako sa tent na itinuro ni Reyden at nakita ko siyang nakaupo at naghihintay sa malaking batong nasa gilid.

Bagong ligo na rin siya at nakapagpalit na ng damit. Habang papalapit ako sa kanya ay hindi ko maiwasang mapatingin sa kanyang dibdib na bumabakat sa fitted white shirt na kanyang suot. Ang ganda ng kanyang katawan!

"Kasya ba?" Nakangiti niyang tanong na ang tinutukoy ay ang mga damit.

Napangiti ako. "Yup. Kasyang-kasya, parang sinukat!" Sagot ko sabay turo sa suot kong manipis na pink sweatshirt at black na three-fourths summer pants.

Inilapag ko ang bag sa loob ng tent at muling humarap kay Reyden.

"I also love the pink matching undies; it really fits so well. Paano mo nalaman ang size ko?" Curious kong tanong.

Napangiti siya.

"It's actually obvious, small lang naman ang size mo." Sagot niya.

Napanguso ako sabay taas ng kilay. Anong ibig niyang sabihin sa small?

"Oops, don't overreact! I have nothing against your size. I'm just stating the fact about the size of your clothes." Agad niyang depensa bago pa ako makapagsalita.

Gusto kong matawa sa reaksyon niya pero mas pinili kong mang-asar.

"Really? As far as I can remember, mahilig ka sa mga babaeng may malalaking boobs. Just like the girl you met at the nightclub!" Pang-aasar ko.

Blangko ang mukha niyang nakatitig sa akin na waring pinag-iisipan ang susunod niyang sasabihin.

"Sabi na nga ba, sinusundan mo talaga ako noong gabing iyon!" Panghuhuli niya.

Bigla akong nagsisi. Bakit ba nasabi ko pa ang babae sa nightclub? Ayokong mahuli niyang sinusundan ko talaga siya noong gabing iyon dahil ayokong tanungin niya kung bakit.

"Nope, hindi kita sinusundan!" Pagsisinungaling ko sabay talikod sa kanya.

Hinablot niya ang aking kamay at muli kaming nagkaharap. Inilapit niya ako sa kanyang katawan at marahang hinagod ang aking likod.

"Is there something wrong?" Nag-aalala niyang tanong.

Umiling ako. "I'm just hungry." Pagdadahilan ko para umiwas sa usapan.

Ilang segundo niyang hindi inalis ang mga tingin niya sa akin. Ako ang unang umiwas ng tingin sabay yuko.

"Okay, let's eat." Yaya niya.

Tumayo siya.

"Where do you want to eat? May karinderya riyan sa taas kung gusto mo or we can go to a fancy restaurant, mas malayo nga lang." Yaya niya.

"Sa karinderya na lang, my treat!" Volunteer ko.

Napangisi siya. "Sorry, but I won't let you pay for anything!" Seryoso niyang sabi.

I AM NINA: Truth & LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon