CHAPTER 74: BLAME

881 79 18
                                    

Ate Bel

"Ouch!" Reklamo ni Reyden nang pitikin ko ang noo niya.

"Ikaw, ang galing mong mang-stress ng babae noh!" Sita ko sa kanya nang ikwento ni Ethan ang pinaggagagawa niya kay Nina nang magising ito kanina.

Kagigising ko lang dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod ako tapos malalaman kong halos takutin nila si Nina nang malaman nilang wala itong maalala.

"Mapagkakamalan ka talagang manyak! Hindi ka na nga maalala hahalikan mo pa!" Sermon ko.

"Ate Bel, halata namang nagustuhan niya yung ginawa ko." Depensa niya.

Nangatwiran pa talaga ang loko. "Nagustuhan, kaya pala nagkulong sa CR, ano!" Nakangisi kong sumbat. Nasa CR si Nina at hindi pa rin lumalabas simula nang magising ako hanggang ngayon na mahigit kalahating oras na ang nakalipas.

"Naliligo lang siya, Ate Bel!" Makulit niyang pangangatwiran sabay takip sa noo niya nang aktong pipitikin ko itong muli.

Tumawa si Ethan. "Her cheeks are as red as tomatoes!" Gatong niya na ang tinutukoy ay si Nina.

Nginisian ko siya. "At ikaw, hindi mo rin sinaway itong kaibigan mo noh!" Pagtataray ko sa kanya.

"Bel, minsan mas magandang biglaan-mas masarap!" Pilyo niyang sabi na nagpataas sa kilay ko! Sira ulo talaga ito!

Tumawa si Reyden. Napangisi ako sa kanilang dalawa. Saan napunta ang katinuan ng dalawang ito! Napabuntong-hininga ako sabay lapit sa pinto ng banyo. Kinatok ko ito.

"Nina, I need to use the bathroom." Pagdadahilan ko para lumabas lang siya.

"Paalisin mo yung manyak!" Sigaw niya mula sa loob. Napakamot ako ng ulo sabay tingin sa dalawang lalaking nag-aabang sa susunod na kabanata.

Muli akong lumapit sa kanila. "Get out!" Matapang kong utos.

"What? I really want to sleep." Maktol ni Ethan sabay pakita ng antok niyang mga mata. Ang kulit talaga nila!

"Ate Bel, ano na naman ba ang ginawa mo at wala siyang maalala?" Tanong ni Reyden na parang gusto niyang sabihing kasalanan ko ang lahat.

Tinaasan ko siya ng nguso. "Hello! Pwede ba, bigyan niyo ng time si Nina para maka-recover! 95% ng taong na-coma nakakaranas ng short term memory lost, confusion, disorientation, at kung anu-ano pa. It's because of the lack of oxygen sa utak nila. Remember, hindi na siya humihinga nang itakbo mo siya rito sa ospital!" Mataray kong sagot.

"You mean, that's normal?" Curious na tanong ni Ethan.

Tumango ako.

"But she remembers her identity until the year 2005." Sabi ni Reyden na halatang hindi convinced sa sinabi ko.

"Selective amnesia! Defense Mechanisms! Nina might be avoiding the events na ayaw niyang maalala. Anong nangyari sa kanya noong 2005? It's the year she became a split." Tuloy-tuloy kong paliwanag.

Muli akong bumuntong-hininga. Nakatingin lang si Reyden sa akin na halatang nag-iisip nang malalim.

"Sige na, buy some coffee, mukha kayong may black-eye sa itim ng mga mata niyo. Hindi ba kayo natulog?" Inosente kong tanong.

Nagkatinginan silang dalawa na para bang nag-uusap ang kanilang mga mata. Anong nangyari sa dalawang ito? Hindi kaya sila ang nagkaroon ng tama? Napakamot ako ng ulo. Tumayo si Reyden at hinila si Ethan palabas ng kwarto. Sa wakas! Muli akong lumapit sa pinto ng banyo. "They're gone!" Sabi ko sabay katok.

Maya-maya ay bumukas ang pinto at iniluwa nito ang bagong ligo na si Nina. Banayad akong ngumiti nang makita ko siyang maayos na ang kalagayan.

"Nina." Tawag ko sa kanya.

I AM NINA: Truth & LiesWhere stories live. Discover now