CHAPTER 50: Payback!

1K 114 53
                                    

Nina

"Nina." Usal ni Reyden sabay bitaw sa hawak niyang itak para yakapin ako.

"Thank God you're okay!" Maluha-luha kong bulong sa kanya sabay himas sa kanyang pisnging may bahid ng dugo.

Nagitla kaming lahat nang tumili si Jenny! Paglingon namin ay nakatayo ang katawan ni Lee! Oh my god! Ito ang literal na pugot-ulo! Nagpulasan kaming lahat para lumayo sa nakatayong katawan ni Lee!

"Find the red crystal!" Utos ng babaeng estranghero bago niya harapin si Meridith na papalapit na naman.

Red crystal? Iyon ba ang parehong crystal na ibinigay sa akin ni Meridith dati?

"What about the red crystal?" Takang-taka kong tanong.

"They're using red crystals to remain in the body! We need to take that out!" Sagot ni Reyden.

What does that mean? Takang-taka kong tanong sa aking isipan.

Lumakad palapit kay Ate Bel si Lee. Si Ate Bel talaga ang gusto nilang makuha! Tumakbo si Ethan at dinamba si Lee. Padapa silang natumba.

"This is really gross!" Sigaw ni Ethan sabay hawak sa magkabilang kamay ni Lee para pigilan ang paggalaw nito.

Nakawala si Lee at binigwasan ng suntok si Ethan na agad nitong ikinatumba. Pagkatayo ni Lee ay sumugod si Reyden. Muling tumayo si Ethan at sumugod din.

Papalit-palit ang mga mata ko sa tatlong lalaking nagsusuntukan. Nakakapangilabot makita ang pugot-ulong gumagalaw! Mapapagod lang sila Reyden at Ethan kapag nagpatuloy ang ganito!

Find the red crystal! Paulit-ulit kong usal sa aking isipan. Saan nakalagay ang crystal. Pinasadahan ko ng tingin ang buong katawan ni Lee. Saan niya pwedeng ilagay ang kristal?

Tumumba si Reyden. Agad ko siyang nilapitan. Hinawi niya ako palayo at muli siyang tumayo. Nakita kong tumutulo ang dugo sa kanyang ulo. Nag-aalala na talaga ako sa kanya!

"Ethan! Sa loob ng dibdib niya!" Sigaw ni Ate Bel na kanina pa rin nakatitig nang mariin kay Lee.

Agad na tumalima si Ethan. "Reyden! Hawakan mo siya!" Sigaw niya. Tumutulo na rin ang dugo mula sa kanyang bibig.

Humihingal si Reyden na tsumempo sa likuran ni Lee. Ni-lock niya ang mga balikat nito para hindi ito makatakas at makagalaw. Sumugod si Ethan at diretsong itinama ang kanyang suntok sa dibdib ni Lee hanggang sa bumaon ang kanyang kamao papasok sa hati na nahiwa kanina ng palakol.

"Fuck!" Sigaw ni Ethan na halatang nandidiri sa kanyang ginagawa.

Naglupasay ang katawan ni Lee.

"Faster!" Sigaw ni Reyden dahil sa malakas na pagwawala ng katawan ni Lee.

Hindi ko alam kung pareho kami ng iniisip ni Ate Bel; sabay kaming tumakbo palapit at tinulungan si Reyden na pigilan ang nagwawalang si Lee. Napapikit ako habang hawak-hawak ang isang braso ni Lee. Ang lakas niya!

"Got it!" Sigaw ni Ethan sabay hatak sa kanyang kamao palabas sa dibdib ni Lee. Napangisi ako nang makita ang nakakadiring itim na itim na likido na nakapalibot sa kamay ni Ethan.

Hawak hawak niya ang kristal na pula na halos kasing laki ng kanyang kamao.

"Drop it!" Sigaw ni Jenny na nasa sulok.

Agad binitawan ni Ethan ang kristal at bumagsak ito sa sahig. Unti-unting nawalan ng lakas ang katawan ni Lee. Sabay-sabay naming binitawan ang walang buhay niyang katawan.

Napayakap sa akin si Reyden na hingal na hingal at hapong-hapo na.

Napalunok ako nang magsimulang maagnas ang katawan ni Lee kasama ang ulong gumulong kanina.

I AM NINA: Truth & LiesWo Geschichten leben. Entdecke jetzt