CHAPTER 42: Girlfriend?

1K 98 24
                                    

Nina

"Yun lang? You're acting that way dahil lang 'don na pwede namang na-misinterpret niya lang." Banat ni Ethan.

"Of course not. Bakit nagre-reply lang siya through text? Why is she not picking up the calls? 'Yun pa lang nakakapagtaka na!" Ganti kong banat.

"She's not picking up because she can't speak. Maybe she's tied up or jailed. Maybe she's being tortured!" Sabat ni Jenny na nakatingin sa kaniyang cellphone.

Napatingin kami sa kanya.

"Based on some movies!" Agad niyang bawi sabay tutok muli sa kanyang cellphone.

Napakunot ang noo ko. Ang daming nalalaman ng batang ito!

"Tigil-tigilan mo nga kanonood ng mga horror movies!" Sita ni Ethan kay Jenny.

"It was not a horror movie Kuya, it's action-thriller!" Pagtatama ni Jenny.

"Whatever." Sabi ni Ethan sabay buntong-hininga.

Napaisip ako. "Pwede naman talagang mangyari ang sinabi niya." Usal ko.

"Stop it! Bakit pa siya magre-reply sa text kung talagang may nangyari na sa kanya?" Kontra na naman ni Ethan.

Ano bang nangyayari sa lalaking ito? Bakit parang ayaw niyang makita at makabalik si Ate Bel?

"I already told you na pakiramdam ko hindi siya ang kausap ko." Sagot ko.

"We're here!" Sabi ni Reyden na naka-focus ang mga mata sa google map sa kanyang cellphone.

Sabay-sabay kaming bumaba ng sasakyan. Pinagmasdan ko ang anim na palapag na building na medyo maypagka-gothic ang style.

"It says unit 1-5." Sabi ni Ethan na ang tinutukoy ay ang address ni Lee.

Pumasok kami sa loob ng building at tumuloy sa ground floor. Pagtapat namin sa pinto ng unit 1-5 ay agad akong kumatok. Walang sumasagot. Dahil naiinip na ako ay pinihit ko ang doorknob.

Nakalock! Ilang beses pa akong kumatok pero wala talagang nagbubukas.

"Walang tao." Sabi ni Reyden.

Dumaan ang isang lalaking may hawak na mop.

"Who are you looking for?" Tanong niya.

"We are looking for Steven Lee." Sagot ni Ethan.

"The half-Chinese guy?" Pangungumpirma ng lalaki.

"Yeah!" Muling sagot ni Ethan.

"He already left a week ago. His lease contract already ended." Sagot niya.

"Do you have any idea where he transferred?" Tanong ni Reyden.

Umiling ang lalaki.

Napangiwi ako. Saan namin hahanapin ang Lee na 'yon?

"Was he living alone in this apartment?" Curious kong tanong.

"No, he was with his girlfriend." Sagot ng lalaki.

Pare-parehong nanlaki ang aming mga mata. Sino ang tinutukoy niyang girlfriend?

Pagkalabas namin ng building ay agad na may nag-react.

"He has a girlfriend?" Nakamulagat at hindi makapaniwalang tanong ni Ethan.

"Ay wala kuya, wala! You heard him na nga diba!" Birong banat ni Jenny.

"Close your mouth, little girl!" Kunsumidong sita ni Ethan kay Jenny.

"He is courting Ate Bel tapos may girlfriend pala siya?" Kunot noong reaksyon ni Reyden.

I AM NINA: Truth & LiesWhere stories live. Discover now