CHAPTER 38: Guardian

1K 96 27
                                    

Nina

Kitang-kita ko ang takot at lungkot sa kanyang mga mata na parang nagmamakaawang huwag ko siyang pabayaan. Kung gusto niya talagang magpakamatay, bakit hindi siya masaya? May kung anong umalon na damdamin sa puso ko habang pinagmamasdan ko siyang mahulog sa pangalawang pagkakataon.

Tulala akong lumuhod sa gilid ng bangin. Umiiyak na naman ako. Bakit ganito, pakiramdam ko namamatay ako sa tuwing tatalon siya. Maya-maya ay naramdaman ko ang paghawak niya sa aking balikat. Umuulit lang ang lahat. Umupo siya sa tabi ko. Umiiyak din siya. Nakakapanlumo na makita ang kawalan niya ng pag-asa.

Naalala kong bigla si Celine; ilang beses ko siyang nakitang umiiyak noon sa loob ng panaginip. Ilang beses niyang sinabing gusto niyang mamatay. Na-guilty akong bigla. Kung si Celine ay nagawa kong yakapin noong mga panahong kailangan niya ako, bakit hindi ko iyon magawa sa sarili ko mismong katauhan ngaun?

Bumalik sa aking ala-ala ang lahat ng aking pinagdaanan; ang sakit at hirap na kinaya kong lagpasan, ang mga hallucinations na pawang kasinungalingan, at ang masaklap na mangyayari sa hinaharap.

Bakit gusto kong magpakamatay? Dahil mas naniwala akong maaayos ang lahat kapag nawala ako.

Pero isa lamang alibi ang salitang maaayos ang lahat dahil wala talagang nakakaalam kung ano ang susunod na mangayayari sa hinaharap. Kahit mawala ako, hindi pa rin siguradong magiging ligtas silang lahat. I should not let myself believe in false hope.

Ang hirap aminin na mayroon din akong kahinaan. Ang totoo ay takot ako. Takot akong mabigo, takot akong masaktan, takot akong harapin ang hinaharap, at takot akong maiwang mag-isa.

Tumingin ako sa babaeng nasa aking tabi. Hinawakan ko nang mahigpit ang kanyang kamay.

"Huwag mo kong iwan. Huwag ka nang tumalon. Natatakot akong mag-isa. Ayokong mag-isa. Tayong dalawa na lang ang magkasama- kaya please, huwag mo na akong iiwan!" Umiiyak kong bulong.

Umusod siya sa aking tabi at inihilig ang kanyang ulo sa aking balikat. "Hindi kita iiwan kung hindi mo ako bibitawan." Bulong niya. Naramdaman ko ang pagtulo ng kanyang mga luha sa aking balikat.

"I'm sorry for being selfish." Patuloy kong bulong.

Hindi ko dapat siya pinagdudahan at pinagtabuyan. Napakawalang kwenta ko para hindi maintindihan ang aking sarili. All these years I have been saving lives, at ngayon dumating ang puntong ang kailangan kong iligtas ay ang aking sarili.

Kung nagawa ko silang tulungan, magagawa ko ring tulungan ang aking sarili. Nakuha ko na! Naiintindihan ko na ang lahat! Siya ay ako at ako ay siya. Kaming dalawa si Nina; kami ay iisa!

Bahagya akong napangiti. Isa lang ang paraan para makabalik ako.

Hindi na ako isang split. Nabuo ang lahat ng ala-ala simula pa lang nang magising ako kanina. Hindi ko split ang babaeng nasa aking tabi. Siya ay isa lamang reflection ng pagkatao ko. Siya ang parte ng buhay ko na napuno ng takot at pangamba. Siya ang ako na nawalan ng pag-asa!

Ipinikit ko ang aking mga mata. Dumaloy ang mga luha sa aking pisngi. Dahan-dahan akong tumayo. Inilahad ko ang aking palad sa babaeng nasa aking harapan. Inabot niya ito nang walang pag-aalinlangan. Tama nga, ginagawa at nararamdaman niya ang nakikita niya sa akin. Galit siya kapag galit ako, matigas ang ulo niya kapag matigas ang ulo ko. Ngayong hindi ko siya ipinagtatabuyan ay hindi rin siya umaalis.

"Tama ka, the only way out is to jump. Pasensya na, hindi kita pinakinggan." Malumanay kong sabi sa kanya.

Sabay na sumilay sa aming mga mukha ang banayad na ngiti.

"Huwag kang mag-alala, hindi kita bibitawan!" Usal ko.

Magkasabay kaming lumakad palapit sa gilid ng bangin. Humarap ako sa kanya at mahigpit ko siyang niyakap. Pumulupot ang kanyang mga kamay sa aking katawan.

I AM NINA: Truth & LiesWhere stories live. Discover now