Epilogue I

12.2K 331 101
                                    

Epilogue.

Sa ospital ang tuloy naming lahat. Diretso si Pietr at si Jace sa emergency operating room samantalang ang iba naman sa mga kasamahan namin na malubhang nasugatan mula sa labanan ay naconfine na rin sa ospital.

Kanina pa ako pilit na kinakausap nina kuya Paul at kuya Niel pero ni hindi ko magawa sa sarili ko ang makapagsalita. Ngayon ko lang naintindihan kung anong naramdaman at pinagdaanan ni kuya Niel noong mga oras na nagkaganito rin sya kay mama. Nanginginig ang buong katawan ko sa hindi malaman na dahilan. Ni hindi ko makuhang umiyak. Wala akong maramdaman.

Bakit ba kailangang sunod sunod? Kukunin na ba ng Diyos ang lahat ng importante sa akin? Ganun na ba ako kasama? Ganun ba ako kasama para pagdusahan ang lahat ng ito?

Ang daming dugo.

Sa tuwing nakikita ko ang mga kamay ko kahit nahugasan na ay wala akong ibang makita kundi ang mga dugo na nagmantya rito-- dugo ni Jace na pilit kong tinatakpan kanina mula sa sugat nya para tumigil sa pag-agos.

At si Pietr... sa hindi mabilang na pagkakataon ay ipinunta nya ang buhay sa panganib para magligtas ng buhay ng iba. Hindi sa akin pero sa pagkakataong ito... para kay Jace.

Kaya ngayon parehas silang malubha. Parehas silang nagdadalawang buhay sa likod ng mga makakapal na pintuan na naglalayo sa amin mula sa kanila.

Naririnig ko ang mga sigawan ng mga doktor. Ang pagmamadali sa boses ng mga nurses. Ang maingay na pagtunog ng mga makina na ginagamit nila sa loob.

Tinakpan ko ang mga tenga ko.

Ayokong marinig.

Ilang oras ang lumipas. Ilang oras na madugong paghihintay at lumabas na rin ang mga doktor sa wakas.

Narinig ko sa pag-uusap nina kuya Paul sa doktor na parehas daw silang malubha lalong lalo na si Jace.

Tinakpan ko ang mga tenga ko.

Lumuha ang mata ko.

Ayoko nang marinig. Ayoko na.

Tumakbo ako palabas ng ospital. Hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang ito ginawa. Kung bakit nagtiis pa ako roon ng ilang oras kung maaari naman akong lumabas at ng sa ganun ay makahinga naman ako.

Nanginginig ang buong tuhod ko. Kahit ano pang pilit ko pagod na pagod na hindi lang ang katawan ko, pati na rin ang utak ko, ang kalooban ko lalong lalo na ang puso ko.

Ayoko na. Tama na.

Hindi kakayanin ng konsensya ko kapag dalawa silang nawala. Binuwis na naman ni Pietr ang buhay nya para sa iba. Bakit nya ba paulit ulit na ginagawa yun kung alam nyang mapapahamak sya? At si Jace. Malakas ako pero sya ang naging sandalan ko. At kapag sya pa ay nawala rin, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.

Napadaan ako sa may mga upuan. Nakita kong nakaupo roon si Clarisse, tulala. Bakas ang mga tuyong luha sa mga pisngi nya.

Hindi ko alam kung paano ko pa nagawa sa sarili na maihakbang ang mga paa ko at umupo sa tabi nya. Hinawakan ko ang kamay nya. Tumingin sya sa akin.

Sa mga oras na iyon doon ko napatunayan ang kasabihan na 'actions speaks louder than words' dahil ni isa salita ay walang lumabas sa mga labi namin, pero tila ba ang mga katawan na namin ang mismong nagkusa. Niyakap namin ang isa't-isa sa isang mahigpit na yakap at doon ay tahimik na nagsiiyakan.

Wala ni anong salita ang makakapaghambing sa kung ano ang nararamdaman namin ngayon. It was a two painful cry-- mixed together, like a music of melancholy.

Listen To My HeartWhere stories live. Discover now