Chapter 16 ♥ Changes

43K 436 32
                                    

Author's Note:

Medjo masipag ako ngayon. Hahaha xD Follow me on TWITTER @wistfulpromise (hindi na po @gclefsong. I changed it already :)) LIKE us on FB! LTMSOfficialFanpage! :D and join our LTMSGROUP! Chikahan tayo doon Listeners!! (Links are all on my profile) :D

Sa mga nagbabasa ng TSR; mas nauuna po ang timeline ng LTMH kaysa doon :) But later on as I said before, magkakasabay rin sila :) 

Dedicated to one of my sweetest reader <3 Godbless and keep inspiring always dear! Mwuah! <3

At! Dito na magsisimula ang malaking pagbabago :) Enjoy! :D

P.s. First POV 'to ni Jace sa LTMH hahaha :)

♥♥♥

Chapter 16

Jace's POV 

"Nakahanda na ang next meeting mo with the president of Rosales Corporates. Nakausap ko na rin ang iba sa mga clients natin for the month of September. Pirma mo na lang ang kulang at ayos na ang lahat." 

Habang tuloy tuloy kami sa paglalakad papasok sa kumpanya ay tuloy tuloy lang si Aiden sa pageexplain sa akin ng mga bagay bagay. Bawat empleyado na madaanan ko ay syang yuko nila at bati sa akin bilang paggalang. May isa o dalawang escort akong kasama na gangmates ko bukod Aiden kapag pumupunta ako rito. Hindi ko sila kailangan pero ito ang ipinipilit ni Aiden. Hinayaan ko na lang kaysa sayangin ko pa ang oras ko na makipagtalo sa walang kwentang bagay. 

"Pagkatapos marami ka pang mga papeles na kailangang pirmahan. Pinalagay ko na lahat sa mesa mo at babasahin na lang. Ito nga pala yung isa sa mga papeles at kontrata na pinapahanap mo sa akin." may inabot syang isang folder. Binuklat ko ito at pahapyaw na tiningnan. 

"Good." tugon ko bago ito muling isinoli sa kanya. 

Pagkalabas namin sa elevator sa palapag kung nasaan ang opisina ko, tulad ng mga nadaanan kong empleyado kanina, lahat ay binabati ako. Lahat sila kapag nakikita akong dumadating binibigyan kami ng daan lalo na ang mga babae. Marami akong naririnig na bulong bulungan at napapansin na mga tangka para kausapin ako. Hindi ko ito pinapansin at madalas diretso lang ang tingin.

Pagkadating namin sa loob ng opisina ko, umupo ako agad sa naghihintay kong swivel chair. Bahagya ko itong iniikot para harapin ang gabundok na papeles na kailangan kong asikasuhin. Huminga ako ng malalim bago sinimulan ang mga bagay na kailangan kong gawin. 

"Anything I could offer you? Coffee, water?" tanong ni Aiden

"No I'm good." hindi ko na inabalang lingunin pa sya dahil masyado na akong busy sa pagbubuklat ng mga folders sa harap ko "Pwede mo na akong iwan dito."

Dumaan ang ilang sandali pero wala pa rin akong naririnig na pagsara ng pinto. Iniangat ko ang tingin ko at nakita na nakatayo pa rin sya sa harap ko. Pansamantala kong ibinaba ang hawak na folder at mataman syang tiningnan. 

"Is there anything else you want to tell me?" 

"I'm just wondering if you already heard the news." diretsyahan nyang sabi.

"What news?"

"That--" 

May narinig kaming katok bago biglang bumakas ang pinto at iniluwa nito ang isang empleyado na babae. 

Listen To My HeartWhere stories live. Discover now