Chapter 60 ♥ Big Revelation (Part one)

20.4K 498 179
                                    

Chapter 60

Pitong taon ako noong nagmigrate ang pamilya ko sa Canada. Bagong bansa, bagong kultura at bagong salita...sa bansang iyon pakiramdam ko pumasok ako sa ibang mundo. Isang mundo kung saan wala akong ibang kakilala kundi ang pamilya ko. Wala akong kaibigan at wala ang mga pamilyar na bagay sa paligid ko na halos kinalikahan ko. 

"This will be our new home Serene. Dito tayo magsisimula ng bagong buhay." Naaalala ko pa na sabi ni mama habang nililibot namin ang bago naming bahay. Kahit sa murang edad alam kong may kakaiba na. Alam ko na tama si mama. At mas lalong alam ko na tuluyan na ngang magbabago ang buhay namin sa lugar na iyon. 

Sa Canada? Ano bang masasabi ko? Lahat ng bagay na gustuhin mo ay naroon na. Mula sa pagkain, damit, mga luho...kahit na ano pang hilingin mo, lahat mahahanap mo roon. Shopping malls ay nasa kabilang daan lang. Konting problema kahit pa mapafinancial, susuportahan ka ng gobyerno. Libre ang mag-aral mula elementary hanggang highschool basta public. Sa college mag-apply ka lang ng student loan-- isang term na tawag bilang pautang ng gobyerno para sa mga estudyanteng mag-aaral sa college. Mag-aral ka hanggang kailan mo gusto, sa isang kundisyon na kapag nakapagtapos ka at nakahanap na ng trabaho, lahat ng utang mo sa student loan ay babayaran mo.

Sa edad na pitong taon masasabi kong nasa akin na lahat. Lahat ng materyal na bagay, nasa akin na. Minsan sobra sobra pa sa hinihiling ko. Nasa akin na ang lahat...pero hindi ko makuha ang maging masaya. Wala akong kasama sa bahay. Wala akong kalaro. Palaging busy sila mama kaya palagi akong mag-isa. Sa mga oras na nag-iisa ako, doon ko nakilala si Julian sa school. Gray eyes, (A/N: Pinalitan ko yung kulay ng mata ni Julian, from baby blue eyes to gray.), blonde hair at napakaamong mukha. Sa edad na pitong taon ay naging magkaibigan kami. Noong bata ako hindi ako madaldal. Masyado kasi akong mahiyain para makipag-usap sa hindi ko naman lubos na kakilala. Gayunpaman, meron sa mga ngiti ni Julian at napaka bubbly na personalidad ang nagpagaan ng loob ko sa kanya.  Mula elementary hanggang highschool, hindi mo kami mapaghihiwalay dahil halos kapatid na ang turing ko sa kanya.

Dati hindi ko maintindihan kung bakit sa tinagal tagal, hindi ako naging masaya. Pero noong naging kaibigan ko si Julian, naintindihan ko na. Walang kwenta ang materyal na bagay kung wala kang kaibigan. Walang kwenta ang mga mamahaling laruan kung wala kang kalaro. At mas lalong walang kwentang tumambay sa kahit na anong mamamahaling lugar kapag walang kakwentuhan. Sabi nga nila lahat may pros and cons.

Sa Pilipinas mahirap pero masaya ang buhay. Lumabas ka lang may makakausap ka. Marami kang makikitang batang naglalaro sa labas. Mga kapit bahay na mula umaga hanggang gabi ay nag-iinuman at nagtatawanan. Mga estudyante na nagkwekwentuhan at nagkakantahan habang pauwi sa kani-kanilang mga bahay. Maingay. Magulo. Normal na senaryo na lang ang may nagbubugbugan o nagsisigawan sa may kanto. Napakasimple ng buhay. Mahirap pero masaya. Sa Canada naroon na ang lahat na hilingin mo na materyal na bagay. Pero doon lang nagtatapos yun, sa materyal lang. Kapag lumabas ka ng bahay wala kang maabutan kundi ang malamig na simoy ng hangin. Walang tao. Walang nagtatawanan. Walang naghahabulan na mga bata. Walang nagkakantahan at nagkwekwentuhan. Para kang pumasok sa isang zombie town. Kotse lang ang batayan ng isang bahay kung may tao nga ba ito o wala. Iisa lang ang cycle ng mga estudyante roon. School, bahay, trabaho, shopping, syota. Paulit ulit. Kapag may problema ka o kailangan ng kakwentuhan, kailangan mong magpabook sa psychologist o sa isang therapist. Kausap na nga lang, kailangan pang bayaran. No wonder bakit maraming baliw roon.

Palagi kong namimiss ang Pilipinas. Pero sa tuwing kasama ko si Julian, nabubura nya ang lungkot at homesickness na nararamdaman ko. Tapos dumagdag pa si Reece at Sharie sa barkada. Iyon yung mga oras na masasabi kong kahit papaano ay naging masaya ako. Naging malapit ako sa kanila pero iba ang kay Julian. Sya ang pinaka-unang bestfriend ko. Sya ang pinagsabihan ko ng lahat ng sikreto ko, mga pangarap, mga takot sa buhay, kasiyahan ko....lahat pinagkatiwala ko sa kanya. Kaya ang malaman na sya ang trumaydor sa akin...hindi ko talaga matanggap. Kahit anong gawin ko ayaw itong tanggapin ng utak ko. Masyadong masakit. Nakahanda na ako na si Reece nga talaga. Gusto kong maniwalang sya. Mas matatanggap ko pa kung si Reece na lang. Pero hindi ko napaghagdaan na maaaring malagay si Julian sa posibilidad.

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon