Dear You

11.6K 317 59
                                    

Dear You, kung sino ka man, na gumagawa, nagdidistribute at nagplaplagiarize ng mga stories ko at sinasabi mong 'iyo' iyon. 

Una sa lahat, salamat sa pagiging reader ko. Salamat sa pagsuporta, sa pagmamahal, at sa pagkabilib mo sa mga sinusulat ko. Bawat update inaabangan mo. Palagi kang sabik sa tuwing nakikita mo ang notification ng bagong chapter na ipinopost ko. Salamat. Salamat sayo. Salamat sa mga katulad mong 'Listener' ko na patuloy sa pagsuporta sa akin dahil kung hindi sa mga katulad mo hindi ako makakarating sa kung anong meron ako ngayon. Kasi kung hindi kita naging reader, kung hindi mo nagustuhan ang mga sinusulat ko, what's the point of choosing me-- of choosing my stories for you to own? I like to think that you saw something special with my stories (LTMS, :TMH, TSR and Paper Planes) kaya nagawa mo ang mga bagay na yun. Dahil sa milyun-milyong stories dito sa wattpad isa pa ako sa napili mo. 

And for that thank you. Thank you for making me special. 

This is a free country. You can do whatever you like but always think of the consequences of your actions. Is it good? Is it bad? Walang masamang humanga. Walang masamang bumilib. Pero lahat ng bagay may limitasyon. Kapag sumobra ka na sa linya, yun na ang masama. Dahil hindi mo namamalayan ang simpleng bagay na sa tingin mo ay walang kaparusahan, mas mabigat pala iyon sa inaakala mo. 

Ano nga ba ang plagiarism? 

Alam ko na karamihan sa mga readers dito sa wattpad ay mga bata, dalaginding, nagdadalaga, nagbibinata, feeling dalaga, feeling binata, tween-teens, twent-ish?-- basta mga youngsters. Haha! Kung hindi man, karamihan pa rin sa inyo ay hindi pa naiintindihan ang plagiarism.

Para sagutin ang tanong ko kanina, ito ang maikling kahulugan ng plagiarism ayon kay Dictionary na bestfriend ko.

"Plagiarism - the practice of taking someone else's work or ideas and passing them off as one's own."

Maliwanag naman siguro, 'taking someone else's work as your own'. Own. You own it. You are ooooow-niiiiiiing iiiiiiiiiit. Kailangan ko pa bang pahabain? 

Bukod pa roon, hindi lang doon nagtatapos ang plagiarism, sa pag-aangkin ng gawa ng iba at sinasabing sayo iyon. Dahil abot din ng sangay ng depinisyon ng 'Plagiarism' ang pagdidistribute ng story o kwento na pagmamay-ari ng manunulat via copyright ng walang permiso ng author o ng orihinal na nagsulat.

Meaning, ang SOFT COPIES na nagkalat sa kahit anong stories ko ay ILLEGAL. WALANG PERMISYON MULA SA AKIN. AT HIGIT SA LAHAT...

P.L.A.G.I.A.R.I.S.M.

'What?! Pero Ms Jade, nakapost lang naman sa internet ang kwento mo ah! Saka hindi pa naman sya publish. So anong masama sa softcopies?!" 

To answer that question, for your information, pinost man ng isang manunulat sa internet o hindi ang isang story, poem, o kahit ano pa yan, automatic na may COPYRIGHT na iyon sa kung sino man ang gumawa. Lalo na rito sa wattpad, sikat man o hindi ang story basta na-ipost na sa wattpad automatic na rin na ang copyright ay nasa author at wala ng iba - pwera na lang kung ibinenta nya iyon. 

Ngayon, naiintindihan ko na marami ang mahina ang internet o kung minsan pa hindi na inaabutan ng net connection sa lugar nila o talagang wala nang pambayad para magnet kaya karamihan ay gumagawa ng sarili nilang soft copies for private reading. Hindi ko masasabing ayos lang, mas maganda sigurong sabihin na 'naiintindihan ko'. Pero gusto ko sanang sabihin na kung may makita man kayong softcopies ng kahit anong stories ko, hindi akin galing iyon. Alam ng mga Listeners ko iyan lalo na ang mga 'sinaunang Loyal Listeners ko' (tunog dinosaur lang haha!) na hindi ako gumagawa ng softcopies dahil nagsusulat ako directly rito sa wattpad, wala ng iba. 

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon