Chapter 43 ♥ The Queen (Part two)

27.4K 373 121
                                    

 A/N: Halos katuloy ito ng last Chapter. Sorry sa late UD. Enjoy reading!! <3 

At dedicated pala ito sa kanya. Thank you dear for being one of my Listeners <3 Godbless and keep inspiring!! 

♥ ♥ ♥ 

Humarap ako sa lalaking nasa harap ko kanina. Hindi sya tumayo kaya kinaladkad sya ng mga gangmate ko papalapit sa akin. Noong makalapit sa akin wala syang patumpik tumpik na lumuhod sa harap ko, nakadaop ang mga kamay, at nagmamakaawa para sa kaligtasan ng buhay nya. 

"N-nagkamali po ako, nagkamali po ako!! Alam ko pong nagkamali ako sa inasta ko-- namin!! Parang awa nyo na po. Wala pa akong balak mamatay! Parang awa nyo na!!" Hanggang dito ay ramdam ko ang takot nya. Tumingin ako sa mga kasama nya at nagulat matapos makita na iyon din ang ginagawa nila. Yung iba sa kanila ay hanggang ngayon gulat pa rin na ang bagong gangster queen ay nasa harap na nila. Samantalang ang iba naman ay sagaran ang takot para sa buhay nila sa ilalim ng mga kamay ko. 

Gayunpaman, marami akong narinig sa kanila na humihingi ng tulong sa akin. Problema sa kanya kanya nilang gang, mga hinaing, mga kaaway at kung anu-ano pa. Lumilipad ang lahat ng pagpapakiusap sa hangin. Hindi ko na alam kung saan ko itutuon ang mga tenga ko. 

"Tahimik!!" Itinaas ko ang dalawang kamay ko. Wala na akong maintindihan sa pinagsasabi nila dahil sa mga halu-halong salita. Ngunit ganun na lang ang gulat ko dahil matapos kong sabihin iyon, tumahimik talaga sila. As in di-makahulog pinggan na katahimikan.

Naglakas loob na nagsalita ulit ang lalaking nasa harap ko. Dahan dahan pa nyang tinaas ang isang kamay na akala mo isang estudyante na magrerecite sa kanyang guro.

"G-gClef pakiusap po t-tulungan nyo kami... parang awa nyo na... tulungan nyo po kami." puno ng pagsusumamo sa mukha nya. Bilang gangster queen, ako lang naman ang may malakas na koneksyon pagdating sa mundo na ginagalawan namin. Kahit anong gang kaya kong burahin. Isang utos ko lang. Mababago ko ang buhay ng isang tao. 

Nakaluhod pa rin sya sa lupa noong magsimula akong umikot sa paligid nya. Dahan dahan, ang nagmamakaawa nyang mukha ang pinagmamasdan ko. Hindi sya sumagot. Ikinumpas ko sa hangin ang isang kamay. Lumapit sa akin ang isa sa mga Ellipses at iniabot ang katana ko na syang sandata kung saan ako kilala. Matapos itong makita ay halos manginig sya sa takot lalo na noong inilabas ko pa ang sandata ko sa labas ng casing nito. Sa mababaw na pagdampi ng matalim na dulo nito sa damit nya, dahan dahan ko itong isinayad hanggang makarating ako sa harap nya. He is shivering uncontrollably and I am staring at him with cold blank eyes. Itinapat ko sa ilalim ng baba nya ang katana na hawak ko. 

"Walang lugar sa akin ang awa kung sa una pa lang ikaw na ang taong hindi kinaaawaan. Hinamon mo ako kaya hinamon din kita. Ibinabalik ko lang sayo ang pabor na hiningi mo. Ngayon, tumayo ka jan kung ayaw mong ako mismo ang magpatayo sayo. Sa brutal ko mang paraan, o sa paraan na alam mo.

Nanginginig nyang iniangat ang katawan nya. Tumayo sya tulad ng rin ng utos ko. Ipinagdaop nya ang mga palad nya. Bakas ang pagsusumamo sa mga mata nya.

"P-parang a-awa nyo na p-po. N-nagkamali a-ako! P-pa-patawad po!" Tumutulo na ang luha sa mga mata nya.

"Isang magandang rason." sabi ko. Nagkatapat ang mga mata namin. "Bigyan mo ako ng isang magandang rason para hindi ko magawa sayo ang bagay na gusto kong gawin." idiniin ko sa balat nya ang katana. Sumigaw sya sa sakit. Itinaas ko ang baba nya gamit ito.

"H-hindi n-na po kami babalik dito. H-hindi na p-po kami babalik ulit para manggulo. Magbabago na po kami!" 

Ngumiti ako. Ngiting walang emosyon. Magbabago. Psh. Iniangat ko ang katana sa hangin. 

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon